Kris Aquino, nilinaw na hindi na sila magkakabalikan ng kanyang dating fiance

Sinusubok talaga ng iba’t-ibang problema ang isang relationship na maaaring magpatibay sa pagmamahalan ng dalawang taong involved o hindi kaya’y humantong sa hiwalayan. Kung may iilan man na kahit nag-break na ay pilit pa rin na ipinagtatagpo ng tadhana, mayroon ding hindi na nakakahanap ng dahilan upang ibalik pa ang relasyong matagal nang nawasak at natapos.

Credit: @krisaquino Instagram

Nang opisyal na inanunsyo ni Kris Aquino ang relationship nila ni Mel Sarmiento na kalauna’y naging fiance niya, kilig at kasiyahan ang nangibabaw sa kanyang fans ngunit tila’y shortlived lamang ito nang kumalat ang balitang hiwalayan ng dalawa.

Simula nang kumalat ang sweet na mga larawan ni Kris at Mel, talagang naging patok sa publiko ang kanilang relasyon kaya naman ganoon na lamang ang gulat ng karamihan nang pumutok ang isyung hiwalay na sila. Dahil dito, marami talaga ang lubos hindi makapaniwala kaya naman kahit hiwalay na, patuloy pa rin na umaasa ang iilan na magkakabalikan din ang dalawa. Isa na nga sa mga ito ay ang kilalang columnist na si Lolit Solis.

Sa isang Instagram post, ibinalita ni Lolit sa kanyang followers na malaki umano ang chance na magkakabalikan si Kris at Mel upang ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pag-iibigan.

“Balitang baka magka balikan sila Kris Aquino at papa Mel Sarmiento Salve. May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga daw love nito ang nanay nila Joshua at Bimby,” pahayag ni Lolit.

Credit: @krisaquino Instagram

Dagdag pa niya, “Well, love is lovelier the second time around , kaya sige na Kris at Papa Mel, back na kayo sa isa’t isa, kiss and make up na❤️👍”

Kaagad naman itong nilinaw ni Kris sa comment section ng mismong post ni Lolit kung saan ay mayroon siyang masakit na rebelasyon sa pagitan nila ng kanyang ex-fiance.

“No nay… hindi kami nag balikan,” komento ni Kris. “Iniwan nya ko Nay, when i was at my lowest and ginawa nya yun via text…”

Credit: @krisaquino Instagram

Dahil umano dito, hindi napigilan ng aktres na kuwestiyunin ang kanilang relasyon at inisip na baka ang inaakala niyang pagmamahal ay isa lang palang ‘infatuation’.

Sa huling bahagi ng mahabang komento ni Kris, sinabi niyang, “So paano mag babalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang? The End, Nay… Move on na…”

Credit: @krisaquino Instagram

Wala naman sila ngayon ng taong isa sa mga inaasahan niyang magiging present sa lahat ng pagkakataon, andyan naman ang kanyang mga anak na siyang dahilan upang magpatuloy pa rin si Kris sa pag-conquer sa bawat laban at hamon ng buhay.