Wala talagang pangako na napapako lalo na kapag nanggaling na ito sa ating mga ina dahil kahit imposible, gagawa at gagawa talaga sila ng paraan upang mapanindigan ang lahat ng salitang binitawan nila.
Credit: @krisaquino Instagram
Hindi lamang pagmamahal ang bumubuo sa magandang relationship ng isang mag-ina dahil pinapatatag din ito ng tiwala kaya malaki talaga ang pagpapahalaga at paninindigan ng celebrity momshie at tinaguriang “Queen of All Media” sa Pinoy showbiz na si Kris Aquino sa pagsasakatuparan sa kanyang mga pangako dahil hangga’t kaya niya, hinding-hindi talaga siya umaatras sa kanyang promises.
Noong active pa sa showbiz bilang isang aktres at host si Kris, palagi talaga na inaabangan ng karamihan ang bawat outing at bonding moments nila ng kanyang mga anak na sina Kuya Josh at Bimby pero simula nang inatake ng maraming “auto!mmune d!seases,” ang noo’y madalas na pagbabakasyon ng mag-iina ay nauwi na lamang sa paminsan-minsan pero sa kahilingan ng kanyang panganay na anak, pinili ni Kris na isantabi muna ang kanyang kondisyon at ipasyal ang mga anak sa Disneyland, California!
Credit: @krisaquino Instagram
Sa kahilingan ni Kuya Josh na makapunta sa Disneyland, walang pagdadalawang-isip na ipinasyal ni Kris ang mga anak sa kabila ng awareness niyang kakailanganin niya ng mahabang pahinga sa susunod na mga araw dahil wala umanong makakatapat sa fulfillment na nararamdaman niya kapag nasisilayan ang ngiti sa mukha ng mga anak.
Sa latest na post ni Kris sa Instagram, ipinasilip niya ang bonding at masasayang moments nila ng kanyang mga anak habang nasa Disneyland kung saan ay sumakay sila ng iba’t-ibang rides, kaliwa’t kanang picture-taking, at pamamasyal sa buong park habang magkahawak ang kanilang mga kamay.
Credit: @krisaquino Instagram
“Promise fulfilled… Because i gave kuya Josh my word,” sulat ni Kris sa kanyang caption.
Simula ng hiatus ni Kris sa showbiz upang makapag-focus sa kanyang pagpapagaling, ang kanilang Disneyland trip ang pinakaunang major na bakasyon na ginawa niya kasama ang mga anak kaya marami talaga ang natuwa dahil sa kabila ng kanyang kondisyon ay nagawa pa rin niyang makapag-bonding kasama ang mga ito.
Credit: @krisaquino Instagram
Kahit na’y mahirap man para kay Kris, hindi naman niya hinayaang maging hadlang ang kanyang kondisyon upang huwag maisakatuparan ang hiling ng anak. Tunay nga na walang sukat ang pagmamahal ng isang ina sa kanilang mga anak!