Kris Bernal at businessman husband nito, magbabakasyon ng isang buwan para maghoneymoon

Importante talaga ang pagpaplano lalo na sa pagbubuo ng isang pamilya. Maliban sa katotohanan na kailangang may kakayahan ang isang couple na matustusan ang lahat ng pangangailangan ng kanilang baby, kailangan din i-consider ang sobrang daming factors lalo na ang pag-aasess kung talagang ready na ba sila maging magulang at sa mga responsibilidad na kaakibat nito.

Credit: @krisbernal Instagram

Sa panahon ngayon, kailangan talaga na bigyan natin ng masinsinang atensyon at mabuting pagpaplano ang bawat desisyong gagawin natin sa ating buhay. Para sa isang mag-asawa, sobrang need talaga na pag-usapan ang pagkakaroon ng baby katulad na lamang ng couple na si Kris Bernal at Perry Choi na ngayon ay pinaghahandaan na ang kanilang proyekto na kung tawagin nilang “Project Baby No. 1”.

Dahil sa p@ndemya, ilang ulit na na-delay ang wedding ni Kris at Perry at dahil na rin sa pagtaas ng p0sitibong kas0 dito sa Pilipinas, hindi nagawa ng couple na magkaroon ng honeymoon kaya naman plano ng dalawa na ngayong buwan ng Hunyo, ilalaan nila ito sa kanilang honeymoon.

Credit: @krisbernal Instagram

“Gusto muna naming mag-honeymoon talaga since hindi naman nangyari after the wedding,” kuwento ng aktres slash entrepreneur na si Kris.

Ayon pa sa aktres, susubukan din nila ng asawa na magkaroon ng baby. See? Talagang planado ang lahat!

Hindi naman kasi padalos-dalos na desisyon ang pagkakaroon ng baby. Kinakailangan talaga itong pagplanuhan dahil ayaw naman ng mga magulang na ipagkait sa kanilang magiging anak ang magandang kinabukasan.

Credit: @krisbernal Instagram

Dagdag pa niya, “Magbabakasyon kami for a month in June. After that, susubukan namin magkaroon ng baby.”

Dahil sa plano nilang ito ni Perry, focus ngayon si Kris sa pagtatrabaho upang maibuhos na niya ang buong concentration sa pagbubuo ng pamilya.

Ayon pa sa aktres, bagama’t busy siya sa kanyang career bilang isang aktres, tinutulungan din niya ang asawa sa pagpapatakbo ng kanilang business at kumakailan nga ay ibinahagi sa publiko na may restaurant sila na parang international buffet.

Credit: @krisbernal Instagram

Dahil sa baon nilang exciting na balita, sobrang saya ngayon ng fans ni Kris dahil sa wakas, handa na ang aktres na tahakin ang panibagong journey sa kanyang buhay at ito ay ang motherhood.