Kris Bernal at longtime non-showbiz boyfriend, ikinasal sa isang mala-fairytale na church wedding!

Ikinasal na sa wakas ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa kanyang longtime boyfriend na si Perry Choi.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Nitong Sabado lamang, September 25, ay natupad na ang pinapangarap na church wedding ni Kris. Mala-fairytale ang naging tema ng pag-iisang dibdib nina Kris at Perry na ginanap sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City.

Larawan ang kasiyahan sa mukha ni Kris habang naglalakad sa aisle na napapalibutan ng napakaraming sunflowers kasama ang kanyang mga magulang.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Emosyonal din si Kris habang naglalakad patungo sa altar suot ang kanyang princess wedding gown na gawa ng sikat na fashion designer na si Mak Tumang.

Ang kantang “Ikaw” naman ni Yeng Constantino ang napili ng dalawa na kanilang maging wedding song na kinanta naman ng singer na si Jona Viray.

Limitado lamang ang nakasaksi sa pag-iisang dibdib ng celebrity couple. Dinaluhan ito ng ilan nilang pamilya at malalapit na kaibigan. Bilang pagsunod naman sa ilang safety pr0tocols kaya nakasuot ang kanilang mga bisita ng face [email protected]

Credit: @niceprintphoto Instagram

Samantala, napanood ng libu-libong tagahanga ni Kris ang kasalan nila ni Perry matapos niya itong i-livestream sa kanyang YouTube channel.

Habang sa kanyang Instagram account ay ipinahayag ni Kris ang kanyang kasiyahan dahil katulad umano ng mga nababasa at napapanood niya noon ay naging magical din ang araw ng kanyang kasal.

“My wedding day was as magical as the ones that I watch and read while growing up. 🥲 I felt like I was in a fairytale book. It’s a dream come true,” ani Kris sa kanyang post.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Para naman sa mga hindi nakakaalam, makailang beses na rin na na-postpone ang kasalan nina Kris at Perry dahil sa [email protected]

Matatandaang February noong nakaraang taon pa na-engage ang dalawa. Ngunit dahil sa mga ipinapatupad na community [email protected] at safety prot0cols kaya naman ilang beses na hindi natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Lingid naman sa kaalaman ng karamihan, apat na taon nang magkasintahan sina Kris at Perry. Base sa kanilang kwento, nagsimula ang kanilang love story nang maging mag-business partner sila. Taong 2017 naman ng isapubliko ni Kris ang relasyon nila ni Perry.