Kalakip ng kasiyahan ay kalungkutan sa buhay ngunit iilan lamang sa atin ang may kakayahang lagpasan ang madilim na panahong ito katulad na lamang ni Kris Bernal na minsan na ring sinubok ang kanyang career bilang isang aktres.
Credit: @krisbernal Instagram
Lingid sa kaalaman ng karamihan, dumadaan din sa matitinding pagsubok ang mga artista. Madalas man natin silang nakikita na nakangiti sa harap ng kamera at palaging nagbibigay ng kasiyahan sa kanilang fans, nakararanas din sila ng breakdown. Sa likod ng kanilang kasiyahan kapag nasa spotlight, ano nga ba ang maaaring pagdaanan ng celebrities?
Sino ba ang hindi nakakakilala kay Kris Bernal? Isa lang naman siya sa mga mahuhusay na aktres sa industriya ng showbiz na talagang tinitingala ng karamihan. Ngunit sa loob ng higit isang dekada na pananatili sa showbusiness, marami sa kanyang fans ang nagtaka kung bakit kumakailan ay hindi na nila madalas nakikita ang iniidolong aktres na nagpapamalas ng kahusayan sa pag-arte.
Credit: @krisbernal Instagram
Sa ilang buwan na pagiging tahimik ni Kris sa showbiz, marami ang nagulat nang nalaman ang balitang hindi na pala ni-renew ng GMA Network ang kanyang kontrata.
Sa isang interview kasama si Toni Gonzaga kumakailan lamang, hindi mapigilan ni Kris na maging emosyonal nang muling binalikan ang isa sa mga madidilim niyang karanasan bilang isang aktres.
Ayon sa aktres, sobrang hirap umano para sa kanya na tanggapin ang katotohanang ito dahil itinuring na rin niyang tahanan ang GMA Network sa maraming taon niyang pananatili sa industriya ng showbiz.
Credit: @krisbernal Instagram
Nagbalik-tanaw din si Kris sa panahong natanggap niya ang memo na nagsasabing hindi na umano ire-renew ng kanyang network ang kanyang contract.
“When I finally got the memo na they’re no longer renewing me, parang the first word na nag-struck sa buong katawan ko at buong puso ko, na parang ‘I was a failure.'”
Dagdag pa ng aktres, “And parang ‘I just didn’t fail myself but I also failed my family. I also failed my fans.'”
Ang mas mahirap pa umano nito ay ang dahilan kung bakit hindi na ire-renew ang kanyang kontrata na hanggang ngayon, kahit na’y isang taon na ang lumipas ay nananatili pa rin umano itong palaisipan para sa kanya.
“I know it was a long time ago like a year ago, pero hindi ko lang naiintindihan bakit. Kasi… okay naman. I mean, hindi naman ako nag-aatitude and then sabi ko nga, lagi ko namang ibinibigay ‘yung best ko,” sabi pa niya.
Dumaan man sa matinding dagok ang kanyang career sa showbiz, nananatili pa rin ang fiery spirit ng aktres at naniniwala sa kanyang kakayahan na muli siyang makakabangon.