Noong April 4, binati ng aktres na si Kris Bernal ang lahat ng “Happy Easter Sunday”.
Credit: @krisbernal Instagram
Kalakip naman ng kanyang Instagram post ang isang larawan kung saan makikita siyang nagpo-pose sa loob ng kanyang kotse.
Ngunit ang tila isang normal o tipikal na post ni Kris ay umani ng maraming komento mula sa mga netizen dahil sa kanyang suot na tube top!
View this post on Instagram
Sa unang tingin ay iisipin mong walang kakaiba sa tube top na suot ni Kris sa larawan ngunit may mga netizen na hindi pinalampas at napansin na baliktad ang pagkakasuot niya ng kanyang damit.
Tinawag nga ng ilang netizens ang atensyon ni Kris at pinaalalahanan siya ng mga ito na baliktad ang kanyang damit na isa namang strapless bandeau. Komento ng netizens:
“Omg I just noticed ur top worn baliktad or maybe im wrong”
“Baliktad ung tube mo sesh”
Credit: @krisbernal Instagram
“feeling ko baliktad yung top”
“Parang baliktad yung tube. Wrong side”
Kung titingnan nang maigi ang larawan ay talagang makukumpirma mo na baliktad ang suot na damit pang-itaas ni Kris dahil sumisilip mula sa mga gilid ang mga tahi nito.
Para na rin matigil na ang pamumuna ng marami sa kanyang damit, si Kris na mismo ang nagpatotoo na baliktad nga ang pagkakasuot niya rito.
Credit: @krisbernal Instagram
Gayunpaman, mariing sinabi ni Kris sa kanyang tugon sa mga komento ng netizens na walang mali sa pagkakasuot niya ng kanyang damit nang baliktad.
Giit ni Kris, tao lamang siya at hindi perpekto—na nakakagawa rin ng mga pagkakamali.
Aniya, “Btw, my baliktad tube is telling me that it’s okay to make mistakes and I am not perfect.”
Credit: @krisbernal Instagram
Dagdag niya, “Yes, SHE-zums, it’s baliktad! Haha! I didn’t even notice! But think of it as a style so I won’t get lost while driving. 🤣 Joke! Even my clothes are trying to ride the April fools trend! LOL! Always in a rush getting ready or getting dressed. Don’t make a big deal out of it. I’m not perfect, I make mistakes!”
Ayon din kay Kris, ‘style’ na rin na matatawag ang pagkakasuot niya nang baliktad sa kanyang damit.
Ani Kris, “Style na din. I went to the grocery with my brother and he didn’t even notice!”
Credit: @krisbernal Instagram
Samantala, maraming netizens naman ang sumang-ayon na bagay na bagay kay Kris ang kanyang outfit na perfect talaga para sa summer!
“Parang baliktad ang top, pero ang ganda pa rin”
“ok lang ms Kris it looks good on u”
“Baliktad ung tube mo Ms Kris Pero it’s fine, super ganda mo”