Maraming artista ngayon ang kumikita nang malaki dahil sa pagba-vlog. Naging susi naman ang vlogging upang makamit ng dating ‘Goin’ Bulilit’ star na si Kristel Fulgar ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Credit: @kristelfulgar Instagram
Lingid sa kaalaman ng lahat, natupad ni Kristel ang kanyang pangarap na makapag-travel sa mga dream destination niya dahil sa kanyang pagba-vlog.
At bukod sa bagong sasakyan, nakabili rin ng lupa si Kristel mula sa kanyang kinikita sa pagba-vlog kung saan ipapatayo niya ang kanyang dream house.
Credit: @kristelfulgar Instagram
Ngayong taon nga ay sinimulan nang ipagawa ni Kristel ang kanyang pangarap na bahay. Aminado naman si Kristel na hindi niya makakamit ang kanyang mga pangarap kung hindi dahil sa suporta ng kanyang mga subscriber. Malaki rin ang pasasalamat ni Kristel sa Panginoon dahil sa mga biyayang kanyang natatanggap.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 2 million subscribers ang channel ni Kristel na nakapokus sa kanyang mga vlog content. Habang ang isa niyang channel na para sa mga ginagawa niyang song cover video ay may mahigit 1.3 million subscribers na ngayon.
Samantala, sa latest vlog naman ni Kristel, bumisita siya sa construction site ng ipinapatayo niyang bahay kung saan ay sinubukan niyang maging isang construction worker sa loob ng isang araw.
Credit: @kristelfulgar Instagram
Sabi ni Kristel sa vlog, matagal na niyang gustong tumulong sa paggawa ng kanyang bahay kahit sa maliit na paraan para naman kahit papaano ay may ambag siya sa pagpapagawa nito.
“Maganda kasi kapag siyempre sa bahay na ginagawa meron kang ambag. Kahit konti. Actually matagal ko nang planong (tumulong sa konstruksyon),” ani Kristel.
Credit: @kristelfulgar Instagram
Aminadong walang alam sa konstruksyon si Kristel, ngunit sinubukan niya pa rin ang ilang mga gawain sa construction site tulad ng paghahalo ng semento, pagmamartilyo, at maglagay ng semento.
Pagkatapos namang subukan ni Kristel ang ilang trabaho sa construction site, pinasalamatan niya ang engineer na namamahala sa paggawa ng kanyang bahay.
Credit: @kristelfulgar Instagram
Saludo rin si Kristel sa mga masisipag na construction worker na buong araw na nagtatrabaho. Ayon pa kay Kristel, hindi madali ang mga ginagawa ng mga ito lalo na’t personal niya itong nasubukan.
Sa huli, nagbiro naman si Kristel na mag-aartista na lamang umano siya matapos niyang maranasan ang hirap na ginagawa ng mga construction worker.