Kristel Fulgar, nakabili na ng bagong sasakyan, lupa at bahay mula sa kanyang mga kinikita sa pagba-vlog

Bagong sasakyan, lupa at soon-to-be constructed na bahay. Ilan lamang ang mga ito sa naipundar ng dating Goin’ Bulilit child star na si Kristel Fulgar mula sa kanyang kinikita sa pagba-vlog.

Credit: KrisTells Vlogs YouTube    

Sa latest vlog ni Kristel na may pamagat na “BIRTHDAY VLOG + (New Car & House?)”, ibinahagi niya ang lahat ng kanyang achievement na katas ng pagiging YouTube vlogger niya.

Kasabay ng kanyang ika-26 na taong kaarawan, ipinakita ni Kristel ang nabili niyang bagong property na aniya, papatayuan niya ng bahay ngayong taon.

Credit: KrisTells Vlogs YouTube

“Ipapasilip ko sa inyo yung lupang pagtatayuan ko ng bahay next year,” ani Kristel.

Sa kanyang vlog, mapapanood din ang pagpunta ni Kristel sa isang car company para kunin ang kanyang bagong sasakyan.

Credit: KrisTells Vlogs YouTube

Ayon kay Kristel, kinakailangan niya ng ekstrang sasakyan dahil magsisimula na umano ang coding sa kanilang lugar at ang kanyang dating sasakyan ay ginagamit na ng kanyang kapatid ngayon.

Bukod pa rito, ikwenento ni Kristel na kaya sila bumili ng sasakyan ay dahil nakamura umano siya dahil sa malaking discount na nakuha niya sa pagbili ng nasabing sasakyan.

Credit: KrisTells Vlogs YouTube

Kwento ni Kristel, “Kailangan kasi ng sasakyan, coding ulit, di ba? Napilitan kami kumuha nito kasi ang laki ng discount. Yung dati ko kasing ginagamit pang-coding, ginagamit na ng ate ko ngayon.”

Dagdag ni Kristel, “Dalawa naman yung garaheng ipapagawa ko sa bahay kasya naman siya.”

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, sinabi ni Kristel na kaya niya ibinahagi ang kanyang mga achievement ay para pasalamatan ang kanyang mga subscriber na naging bahagi ng kanyang tagumpay bilang isang vlogger.

Ani Kristel, “Ang main purpose talaga ng vlog na ito ay hindi para ipagmalaki lang ang mga blessings na natanggap ko. Pero kasi hindi ko makukuha lahat ng yun kung wala yung mga taong sumusuporta sa akin at isa kayo du’n.”

Credit: KrisTells Vlogs YouTube

Dagdag ni Kristel, “Bawat subscriber ko at bawat nanonood ng mga videos ko ay part ng success ng career ko. Maraming, maraming salamat sa inyo. Isa kayo sa mga nagpapatatag sa akin. Isa kayo sa mga nagpaniwala na kaya ko malagpasan itong p@ndemic at maka-survive sa year 2020.”

Maliban sa kanyang mga subscriber, malaki rin ang pasasalamat ni Kristel sa Diyos na naging kasangga niya ngayong panahon ng p@ndemya.

Ani Kristel, “Ang masasabi ko na naging kasangga during pandemic at year 2020 ay si God dahil hindi niya ako pinabayaan. Ramdam na ramdam ko yung guidance Niya and Siya yung alam kong laging nandiyan para sa akin. At alam kong Siya rin yung nagbibigay ng lahat ng blessings na natatanggap ko.”

Credit: KrisTells Vlogs YouTube

Sa huli ay nangako si Kristel na patuloy siyang gagawa ng mga “quality content” na magbibigay saya sa kanyang mga subscriber sa YouTube.