Kristel Fulgar, proud na ibinahagi ang pagtatapos sa pagpapagawa ng kanilang dream home

Hindi sukatan ang edad sa pag-abot natin ng ating mga pangarap. Matanda man o bata, kayang-kaya pa rin na ma-achieve ang mga bagay na nagmimistulang imposible.

Credit: @kristelfulgar Instagram

Marami na tayong naririnig na kuwento galing sa celebrities na naa-achieve ang kanilang mga pangarap sa buhay sa napakamurang edad pero kahit common naman para sa atin ang mga storyang ito, special at extraordinary naman ito lalo na’t effort at paghihirap ang naging daan nila upang maisakatuparan ang kanilang pangarap.

Bata pa lamang nang pumasok si Kristel Fulgar sa mundo ng showbiz at mula noon, patuloy na pinapalago ng aktres ang kanyang career bilang isang aktres at sa ilang taon niyang pananatili sa industriya, nadiskubreniya ang larangan ng pagva-vlog, bumuo ng sariling Youtube channel at ngayon ay isa sa mga sikat na vloggers sa Pilipinas.

Sa ilang taon niyang pagsusumikap, sa wakas ay nagbunga na rin ang lahat ng paghihirap ni Kristel dahil ngayon, may sarili na siyang bahay!

Credit: Kristel Fulgar YouTube

Sa ibinahagi niyang vlog nito lamang Linggo, February 13, mapapanood ang journey ni Kristel nang ipinapatayo pa lamang ang bahay, pamimili niya ng furnitures at iilang gamit sa IKEA at hanggang natapos ito.

Excited at super saya na nagma-materialize na rin ang kanyang pangarap, talagang hands-on si Kristel. Noong itinatayo pa lamang ito ‘nung nakaraang taon, madalas nang bumibisita sa site ang aktres upang i-check ang progress nito.

“Hindi ko ini-expect na at this age, magkakaroon na ako ng sarili kong bahay. Hindi ko alam na magiging ganito ako katagal sa industriya ng showbiz kasi bata pa lang ako, alam ko na hindi forever ang showbiz kaya nagpursige ako mag-aral, makatapos ng pag-aaral para alam kong magkakaroon ako ng trabaho kahit hindi na ako artista,” kuwento ni Kristel.

Credit: Kristel Fulgar YouTube

Naging emosyonal din ang aktres-vlogger nang pinasalamatan niya ang Panginoon sa lahat ng biyayang natanggap niya sa buhay.

“Alam kong hindi ko makukuha lahat ng bagay na meron ako ngayon kung hindi dahil sa tulong ng Ama. Sobrang dami Niyang blessings na binigay sa’kin last year. Nagpapasalamat ako kasi hindi Niya ako iniwan. Hindi Niya ako binibigyan ng malaking problema na hindi ko kayang lagpasan,” aniya.

Sa edad na 27, natupad na rin ang isa sa matagal ng pinapangarap ni Kristel at sa wakas ay nagbunga ang lahat ng pagsusumikap niya sa trabaho at sa buhay.

Credit: Kristel Fulgar YouTube

Congratulations, Kristel Fulgar!