Bukod sa pagiging isang magaling na aktor, kilala rin si Oyo Boy Sotto ng marami bilang isang mapagmahal at mabuting ama sa kanyang mga anak.
Credit: @khsotto Instagram
Si Oyo Boy at ang asawa nitong si TV actress Kristine Hermosa ay mayroong limang anak. Sina Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, Marvic Valentin II, at Vittorio Isaac ay ang mga biological children ng celebrity couple. Samantalang ang kanilang panganay naman na si Kristian Daniel o Kiel ay adopted son ng dalawa.
Noong Agosto 16, isang touching message ang isinulat ni Oyo Boy para sa kanilang panganay na nagdiriwang ng ika-13 kaarawan nito.
Credit: @khsotto Instagram
Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Oyo Boy ang kanyang wagas na pagmamahal para kay Kiel. Aniya, maaaring hindi umano siya isang perpektong ama ngunit tiyak na mahal na mahal niya ang kanyang anak.
“I thank the Lord for 13 years of your life here on earth. You are such a blessing to us Kiel. I may not be perfect but always remember that Dada loves you so much!” ani Oyo Boy.
“I pray that as you go through your teenage years, you will seek the Lord all the days of your life. I love you Kiel! Happy birthday! Let’s create more good memories! I’m excited for you,” dagdag niya.
Ayon naman kay Kristine, hindi isang aks!dente ang pagdating ni Kiel sa buhay nilang mag-asawa.
Credit: @khsotto Instagram
“Walang aks!dente kay God. Hindi aksidente na binigay ka niya sa amin.. na ikaw ang naging daan sa matinding training namin bilang magulang,” ani Kristine.
Dagdag niya, “Thank you for always trying to be better and for understanding our shortcomings. You are a good and obedient son, Kiel.don’t forget that. God has a great plan for your life, always obey and honor Him in everything you do. Happy 13th birthday, Kiel! We, your family are just here for you. We are proud of you.”
Hindi lingid sa kaalaman ng marami, inampon nina Oyo Boy at Kristine si Kiel bago pa man sila ikasal noong Enero 2011.
Credit: @khsotto Instagram
At ngayon, makalipas ang 13 taon, si Kiel ay lumaki na isang guwapong binata at mabuting anak kina Oyo Boy at Kristine.
Isa ring mapagmahal at maalagang kuya si Kiel sa kanyang mga nakababatang kapatid.
May pakiusap naman si Kristine para sa kanyang panganay at ito ay gabayang mabuti ang kanyang mga kapatid.
Credit: @khsotto Instagram
Saad ni Kristine, “Your siblings are all looking up to you and are all cheering you on. They adore you so much, Kuya. Please lead them well. We love you!”
Ngayong buwan lamang, ipinanganak ni Kristine ang ikalimang anak nila ni Oyo Boy na si Baby Vittorio Isaac.