Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, proud na ipinasilip sa netizens ang pinakaunang commercial nila kasama ang mga anak

Maraming netizen ang natuwa matapos mapanood ang unang TV commercial ng pamilya nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa.

Credit: Oyo Sotto Instagram     

Ibinahagi ni Oyo Boy sa kanyang Instagram account ang TV commercial video nila na kinunan daw isang araw bago magdeklara ng community qu@rantine sa bansa.

Sa commercial video, ay mapapanood ang masayang pagkukulitan nina Oyo Boy at Kristine kasama ang kanilang mga anak na sina Kiel, Ondrea, Kaleb at Marvic.

Credit: Oyo Sotto Instagram

Masasaksihan din sa TV commercial ang pagiging sweet nina Oyo Boy at Kristine sa isa’t isa.

Base naman sa ginamit na hashtag ni Oyo Boy sa IG post, para sa isang local ice cream brand na Selecta ang unang family commercial na ginawa nila.

Ani Oyo Boy sa caption ng post, “Thank you Lord God for our first family commercial ❤️ this was shot the day before community qu@rantine. Thank you Lord for your faithfulness.❤️ #SelectaPhilippine”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto) on

Ibinahagi rin ni Kristine sa kanyang Instagram ang naturang TV commercial video. Aniya sa caption, “So happy and blessed to be with the whole family 🥰💕🙏🏻 All glory to God! #SelectaPhilippines”

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Bumaha naman ng papuri mula sa netizens ang commercial ng pamilya nila Oyo at Kristine.

Para sa netizens, perfect ang pamilya nina Oyo at Kristine na gumawa sa commercial dahil larawan sila ng isang masaya at napakagandang pamilya.

Komento ng netizens:

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

“Nakakatuwa kayo pamilya! God bless! 🙏😍”

“LoveIt!””

“Lovely family”

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

“Beautiful family”

“wow happy fam…lov it!”

Samantala, maraming netizen din ang nakapansin sa walang kupas na ganda ni Kristine. Biro pa ng ilang netizens, alagang-alaga raw talaga ni Oyo Boy ang dating aktres.

“Imagine 4 na naging baby ni kristine pero ganyan parin kaganda at ka s3xy”

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

“Love it..ganda Godbless your family always idol ko kayo ni tin”

“congratulations!! ganda ni Kristine talaga”

“Ang ganda parin ni @khsotto Grabe walang kupas”

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

January 12, 2011 nang ikinasal sila Oyo at Kristine. Nabiyayaan ang celebrity couple ng apat na anak na sila Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, at Marvic Valentin jr.