Kristine Hermosa, ikwinentong nagpropose noon sa kanya si Oyo Sotto kahit wala pa silang relasyon

Paano nga ba nasasabing nakatadhana ka sa para sa isang taong? May mga pahiwatig ba o sadyang nararamdaman lamang natin ito sa ating sarili? Ang sagot sa mga katanungang ito ay mahahanap at malalaman natin sa kuwentong pag-ibig ni Oyo Sotto at Kristine Hermosa!

Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube

Parehong kilala sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto bilang sikat na mga artista sa industriya ng showbiz kaya naman talagang tinututukan ng kanilang fans ang bawat kaganapan sa kanilang buhay ngunit sinu-sino ba talaga ang tunay na nakakaalam sa kuwentong pag-ibig ng dalawa?

Ang inaakalang common na kuwento sa likod ng pagmamahalan ni Oyo at Kristine ay nagbigay ng magkahalong emosyon sa netizens nang ibinahagi ng couple ang kanilang kuwento bago pa man sila ikasal at nagkaroon ng sariling pamilya.

Sa isang interview kasama si Toni Gonzaga, muling nagbalik-tanaw si Kristine at Oyo kung paano sila nagkakilala hanggang tuluyan nilang na-realize na may nararamdaman na pala sila para sa isa’t-isa.

Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube

Unang nagkakilala at nagkasama sa “Enteng Kabisote” noong 2005 si Kristine at Oyo, hindi bilang love team kundi bilang mag-ina. Noong panahon na ‘yun, may sari-sariling relationship pa ang dalawa kaya talagang hindi nila masyadong napapansin ang isa’t-isa hanggang muli silang nagkasama sa “Enteng Kabisote 3” kung saan ay inamin ni Oyo na nagkakalabuan na ang kani-kanilang relasyon.

“Meron pa siya. Ako ano… holding on,” pagre-recall ng aktres.

“Parang ganu’n. Parang pawala na rin,” sabi naman ni Oyo.

Credit: @khsotto Instagram

Habang nasa set, doon na nagpapapansin si Oyo kay Kristine na palagi naman umanong dine-dedma ng aktres.

“Ewan ko, tutok nga ako. ‘Pag may minahal ako, siya lang. Ganu’n, so parang focus ko talaga sa kanya lang. Walang chance to look around,” ayon kay Kristine.

Habang nilalaban ni Kristine ang kanyang relationship, patuloy naman si Oyo sa pagkakaroon ng feelings para sa aktres hanggang unti-unti umanong nagbago ang ‘perspective’ ni Kristine.

Credit: @khsotto Instagram

Nang malaya na sa kani-kanilang nagdaang relationship, hindi pa rin ito naging daan upang magkaroon sila ng boyfriend-girlfriend na relationship at nanatili lamang bilang mabuting magkaibigan. Taong 2009 nang nagkasama sa isang ‘bible study’ si Oyo at Kristine kung saan ay biglaan lamang na nag-propose ang aktor na labis na ikinagulat ng lahat lalo na’t hindi naman umano sila mag-on noong mga panahon na ‘yun.

Habang nagbabalik-tanaw, proud naman na inamin ni Kristine na ang pagsagot at pagpapakasal kay Oyo ang “best decision” na nagawa niya sa kanyang buong buhay.

Hindi man nakita ang kanyang future sa aktor noon, nahanap naman ni Kristine ang forever simula nang sinagot niya si Oyo.