Masayang ibinalita ng aktor na si Oyo Boy Sotto na nanganak na ang kanyang asawang si dating TV actress Kristine Hermosa.
Credit: @osotto Instagram
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Oyo Boy na Isinilang ni Kristine ang ikalimang anak nila na isang malusog na batang sanggol nito lamang gabi ng August 3 sa St. Lukes Medical Center sa Taguig City.
Nag-post din si Oyo Boy ng ilang larawan ng kanilang bagong silang na anak na pinangalanan nilang Vittorio Isaac.
Sa unang larawan ay isang close-up picture ni Baby Vittorio ang ibinahagi ni Oyo Boy. Habang ang pangalawang larawan ay larawan nilang mag-asawa kasama si Baby Vittorio kuha mula sa loob ng delivery room.
Credit: @osotto Instagram
Nagpapasalamat naman si Oyo Boy sa Panginoon dahil sa bagong biyaya na ipinagkaloob Nito sa kanilang mag-asawa.
“Aug. 3, 2021 11:47 p.m. Lord Jesus maraming salamat! You are faithful!❤️ Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga,” ani Oyo Boy sa kanyang Instagram post.
Dagdag pa niya, “To my family and friends, thank you for all your prayers😊 i love you ❤️ Welcome to the world Vittorio Isaac😍 i love you @khsotto.”
Credit: @osotto Instagram
Samantala, sa kanyang Instagram stories ay may pasilip si Oyo Boy sa kanyang magiging tipikal na routine ngayong may bagong sanggol sa kanilang pamilya.
Sa ipinost na larawan ni Oyo Boy ay kalong niya sa kanyang mga bisig ang napakagwapo nilang anak ni Kristine kalakip ng caption na, “walang tulugan.”
Bumuhos naman kaagad ang maraming congratulatory messages mula sa mga kapamilya at kaibigan nila sa showbiz.
Credit: @osotto Instagram
Ani Rodjun Cruz, “Congratulations sa inyo brother osotto & @khsotto Hello baby Vittorio”
Mensahe ni Ara Mina, “Congratulations! And welcome to the world Vittorio Isaac!”
Credit: @osotto Instagram
Saad naman ng kapatid ni Oyo Boy na si Danica Sotto-Pingris, “We love you guys so much! Thank you Lord for keep you safe…Congratulations”
Matatandaang inanunsyo ng celebrity couple na magkakaroon sila ng isa pang anak noong December 2020, isang buwan bago nila ipagdiwang ang kanilang 10th wedding anniversary.
Credit: @osotto Instagram
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na may apat pang anak sina Kristine at Oyo Boy na sina Kristian Daniel, Kaleb Hanns, Marvic Valentin at ang kanilang unica hija na si Ondrea Bliss.