Kristine Hermosa, masayang ibinalita ang pagbubuntis sa ika-limang anak nila ng asawang si Oyo Boy Sotto

“Best Christmas and Anniversary gift from above”

Credit: Oyo Sotto Instagram    

Ganito kung ilarawan ng celebrity couple na sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto ang pagdating ng kanilang ika-5 anak.

Abot langit ang saya ng mag-asawa matapos nilang malaman na magkakaroon ulit sila ng supling.
Buntis kasi ngayon ang dating aktres sa ika-5 anak nila ni Oyo Boy.

Ibinahagi nina Kristine at Oyo Boy sa kani-kanilang Instagram account ang masayang balita. Nag-post ang celebrity couple ng isang pregnancy test stick na may dalawang pulang linya.

Ipinost din nila ang video ng sonogram ng kanilang bagong baby na hiling nilang maging isang babae. Labis-labis naman ang pasasalamat nina Kristine at Oyo Boy sa panibagong biyaya na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Ani Oyo Boy sa kanyang IG post, “Nag POSITIVE!!! Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka Lord! Salamat Lord Jesus! Napaka faithful mo kahit kailan❤️ God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo…”

Ayon naman kay Kristine, panibagong “answered prayer” umano na maituturing nila ang kanyang pagbubuntis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)

Aniya, “Another answered prayer🙏🏻🤰💕 Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon. ☺️🎁 Thank you Lord for sustaining us this entire year.. pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin.”

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Dagdag niya, “You are faithful God. 💕 kung wala ka, di namin alam kung saan kami pupulutin. 🥺🙏🏻 All glory to you God. 🥰 Salamat sa pagmamahal mo sa amin. ❤️ I LOVE YOU SO MUCH JESUS — I love you Oyo, Kiel,Dre,Kaleb,Vin & Baby in my belly 🤰 #Babyno.5 #Believingforahealthybabygirl #2020surprise #gratefulformyfamily❤️”

Samantala, bumuhos naman ang pagbati para kina Kristine at Oyo Boy mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz at mga tagahanga.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Kabilang sa mga bumati sa mag-asawa sina Jinkee Pacquiao, Ara Mina, Ciara Sotto, Iza Calzado, Ryan Agoncillo, Danica Sotto-Pingris at marami pang iba.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Halos sampung taon nang kasal sina Kristine at Oyo Boy. Taong 2011 nang ikasal ang mag-asawa.
January 12 sa susunod na taon ay ipagdiriwang nina Kristine at Oyo Boy ang kanilang anibersaryo bilang mag-asawa.