Kwelang song number rehearsal ni Buboy Villar kasama si Pekto, naghatid ng katatawanan sa marami!

Libangan na ng marami sa atin ang pagso-social media. Ngayong p@ndemya kung saan marami ang nasa kani-kanilang bahay lamang ay talaga namang numero unong pampawala ng buryo at str3ss ng lahat ang panonood ng mga nakaka-good vibes na video sa iba’t ibang social media site.

Credit: Buboy Jr Villar Facebook

Kabilang naman ang aktor, komedyante, at vlogger na rin na si Buboy Villar sa mga kinaaaliwan ngayon sa social media. Talaga namang walang palya sa paghahatid ng good vibes ang Kapuso actor at kamakailan lamang, isang video na naman ang kanyang ibinahagi sa kanyang official Facebook page na naghatid ng katatawanan sa maraming netizens.

Mapapanood kasi sa video ang hindi matapos-tapos na pagre-rehearse ni Buboy sa kantang “214” ng bandang Rivermaya, na kakakantahin niya para sa isang song number dahil hindi niya mapigilang tumawa.

Sa umpisa ng video ay kapansin-pansin na mukhang handang-handa nang mag-rehearse si Buboy ngunit nang kantahin na niya ang unang linya ng kanta ay bigla na lamang siyang tumawa.

Credit: Buboy Jr Villar Facebook

Lalo pang hindi makapag-focus si Buboy sa pagre-rehearse dahil sa presensya ng kapwa niya komedyante na si Pekto. Matapos kasing kantahin ni Buboy ang unang linya ng kanta na “Am I real?” ay makikita ang natatawang reaksyon ni Pekto.

Gayunpaman, sinubukan muli ni Buboy na ipagpatuloy ang kanyang pagre-rehearse. Sa mga sandaling ito ay tila kinukumbinsi na niya ang kanyang sarili na magseryoso.

“‘Wag kang magulo…Hindi pa ako umaabot dun sa chorus hanggang sa duet,” saad ni Buboy.

Ngunit nauwi na naman sa katatawanan ang kanyang pagre-rehearse dahil sa mga ginagawang pagpapatawa ni Pekto. Nasa iisang dressing room lamang kasi ang dalawa kaya naman hindi talaga maiwasang marinig ni Pekto ang pagkanta ni Buboy.

“Kuya Peks! Hindi ko talaga mabitawan,” natatawang saad ni Buboy.

Muli namang ipinagpatuloy ni Buboy ang kanyang pagkanta at nagawa niyang makausad ng ilang linya nang umalis sa kanyang tabi si Pekto.

Pero naunsyami na naman ang kanyang pagre-rehearse nang biglang magpakita sa kanyang likod si Pekto na may nakakatawa na namang expression sa kanyang mukha.

Hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga ang pagtawa ni Buboy na sinabayan pa ni Pekto.

Credit: Buboy Jr Villar Facebook

Samantala, maging ang netizens na nakapanood ng video ni Buboy kasama si Pekto ay hindi rin mapigilang mapa-bumunghalit ng tawa. Komento nila:

“bagay kayo tandem ni pektu buboy. I’m sure sakit tiyan kakatawa mga viewers #pekboy”

“Sakit ng tyan ko sa inyo kakatawa, inaantay kopa naman kung matatapos yung kanta”

“Pati ako nadala tawa na din ako ako ng tawa mag-isa”

Credit: Buboy Jr Villar Facebook

“hahaha nawala problema ko sa dalawang to grabe tawa ko haha wala tlga iba ka talaga kuya pektu at boboy”

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit ilang milyon ang kabuuang views ng video ni Buboy kasama si Pekto.