Ngayong panahon ng p@ndemya ay marami sa atin ang nawalay o hindi muna nakasama ang kanilang mga pamilya. Kaya naman labis na pangungulila ang nararamdaman ng marami sa atin dahil matagal-tagal din nilang hindi naka-bonding ang mga mahal nila sa buhay.
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
Isa nga naman ang pagbibigay ng oras sa ating mga mahal sa buhay sa mga paraan na magagawa natin upang maipadama sa kanila ang ating pagmamahal at pagpapahalaga. Pero dahil sa p@ndemya ay matagal na panahon din nating hindi nakapiling ang mga mahal natin sa buhay.
Kabilang naman ang mag-amang Kylie Padilla at Robin Padilla sa magpamilya na ilang buwan din na hindi nagkita.
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na naging maugong nitong mga nakaraang linggo ang pangalan ng mag-ama dahil sa isyung may kinalaman sa hiwalayan ng Kapuso actress at asawa nitong si Aljur Abrenica.
Bukod nga sa kanyang mga kaibigan, isa sa mga pinagkukunan ng lakas ni Kylie ay ang batikang action star na hindi lamang itinuturing niyang isang ama kundi isa ring kaibigan na masasandalan niya sa anumang oras.
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
Kamakailan naman ay nakita at naka-bonding muli ni Kylie ang kanyang Papa Robin. Sa mga larawang ibinahagi ni Kylie sa Instagram, makikitang napakasaya niya habang kasama ang kanyang Papa Robin.
Sulat pa niya sa caption, “Look who I got to hang out with today @robinhoodpadilla”
Habang todo ngiti din si Robin sa mga larawan at halatang kahit siya ay tuwang-tuwa dahil muli silang nagka-bonding ni Kylie.
Samantala, maging ang mga netizen ay natuwa sa mga masasayang larawan nina Kylie at Robin.
Marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa closeness ng mag-ama. Kahit kasi sinubok ng kontrobersiya at dumaan sila sa hindi pagkakaunawaan nitong mga nakaraang taon ay napanatili pa rin nila ang kanilang magandang relasyon bilang mag-ama.
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
Hindi rin maikakailang isang “Papa’s Girl” si Kylie at patunay dito ang pagiging malapit niya sa kanyang Papa Robin.
Narito nga ang ilang komento ng netizens sa recent father-daughter bonding ng mag-ama:
“Sweet papas gurl”
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
“sobrang idol ko po yung papa mo. Glad tosee you together”
“Buti Ate Kylie Magkasundo kayo ng Papa o”
“Daddys gurl? nice to see u with ur dad/papa”