Kylie Padilla, hinangaan ng netizens dahil inuna pa rin ang kapakanan ng anak kahit nasa gitna ng trabaho

Ang pagiging isang ina ay hindi isang madaling role dahil kaakibat nito ay responsibilidad na hindi nawawala kahit nasa loob o labas man ng bahay o hindi kaya’y nasa tabi o malayo man sa mga anak.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Marami naman tayong natutunghayan na nakakaiyak na moments tungkol sa mga dakilang ina, lumalambot pa rin ang ating puso sa tuwing may nakikita tayong touching na moments ng isang mag-ina katulad na lamang ni Kylie Padilla na kahit nasa gitna ng kanyang trabaho ay matagumpay pa rin na ginampanan ang kanyang Mommy duties.

Matatandaan na naging isang malaking issue sa publiko ang hiwalayan ng couple na si Kylie Padilla at Aljur Abrenica na noon pa man ay kinakikiligan na ng karamihan. Sawi man sa pag-ibig, mas pinili ng aktres na maging matatag para sa kapakanan ng kanilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Hindi man madali ang pagiging isang single Mom, kinaya naman ito ni Kylie. Kahit na’y abala sa kanyang trabaho at projects sa showbiz, malaki pa rin ang oras at atensyon na ibinibigay niya sa mga anak. Bilang isang working Mommy, maayos na nababalanse ng aktres ang kanyang trabaho at pag-aalaga sa mga anak ngunit may mga pagkakataon talaga na nag-ooverlap ang kanyang schedule kaya kinakailangan niya na isama ang panganay na anak habang nasa work katulad na lamang nang nagkaroon siya ng isang launching event sa produktong collagen nito lamang Miyerkules, May 18.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Habang nasa kalagitnaan ng Q and A na pinangunahan ng hosts na sina Ryan Bang at Jean Kiley, bigla na lamang umiyak ang panganay ni Kylie na si Alas Joaquin habang nakaupo kasama ang audience.

“That’s my son. I’m sorry,” paghingi ng paumanhin ni Kylie. Kahit na’y sinisenyasan niya ang kanyang anak ng “wait lang” ay hindi pa rin talaga ito tumatahan kaya humingi na siya ng favor na maaari ba umanong tumabi na lamang ang kanyang anak sa kanya na pinayagan naman ng hosts sa nasabing event.

Nang tumabi na si Alas Joaquin sa kanyang Mommy Kylie, tsaka lamang ito kumalma at tumahan sa pag-iyak. Patuloy naman sa paghingi ng patawad ang aktres tungkol sa disturbong nagawa ng kanyang anak.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Pansamantala man na natigil upang patahanin ang anak, kaagad naman na naibalik ni Kylie ang kanyang composure at muling nagpatuloy sa pagsagot sa bawat tanong ng hosts.