Kylie Padilla, inaming malayo sa pagiging glamoroso ang buhay na tinahak niya bilang isang ina sa mga anak nila ni Aljur Abrenica

Inamin ng napakagandang aktres na si Kylie Padilla na hindi glamoroso ang pinili niyang buhay bilang isang ina.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Kylie ang reyalidad niya ngayon bilang isang ina na malayo umano sa isang glamorosong buhay.

Kung akala ng marami na glamoroso ang pang-araw-araw na buhay ni Kylie bilang isang celebrity mom ay nagkakamali sila.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Simple lamang kasi ang buhay ni Kylie bilang isang ina at ang kanyang pang-araw-araw na buhay ay aniya, malayo umano sa pagiging “Instagrammable”.

Ibinahagi ni Kylie ang ilang larawan niya kuha pagkatapos lamang niyang paliguan ang kanyang mga anak.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

May dalawang anak si Kylie at ang kanyang mister na si Aljur Abrenica na sina Alas at Axl. Ang kanyang panganay na si Alas ay tatlong gulang na at ang kanyang bunso naman ay halos dalawang taong gulang pa lamang.

Walang make-up at suot lamang ang isang malaking t-shirt na basa pa ng tubig ay ipinakita nga ni Kylie ang isa sa mga reyalidad ng pagiging isang ina.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Ayon pa kay Kylie, madalas ay ganoon ang kanyang pang-araw-araw na ayos lalo na kapag nauuwi sa “play time” ang paliligo niya sa kanyang dalawang anak.

“The reality as mum is a lot less glamorous than I choose to lead on. This is it,” pag-amin pa ni Kylie.

Dagdag niya, “This is how I look after giving my kids a bath because most of the time it becomes play time and well, we are all wet by the time they are done showering. This is my reality. It’s not picture perfect. Far from Instagrammable but it’s just how it is.”

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Maraming netizens naman ang naka-relate sa sitwasyon ni Kylie. Komento nila:

“I feel you! I’m still a big fan though instagrammable or not! You got this momma!”

“Thank you for sharing your motherhood moments! It’s never a glam but always worth every sacrifices beng a Mom like us! Love n light mumma!”

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

“Reality of a hands on mom. Relate much. Kuddos to all the best/great Moms”

Unang naging isang ina si Kylie noong 2017. At noong December 2018, ikinasal sina Kylie at Aljur sa isang intimate wedding ceremony.