Kyline Alcantara, sinorpresa ng pamilya at mga kaibigan sa kanyang 18th Birthday sa gitna ng [email protected]

Nakahanap ng paraan ang pamilya, mga kaibigan at tagahanga ng Kapuso singer-actress na si Kyline Alcantara para gawing espesyal at makabuluhan pa rin ang pagdiriwang niya sa ika-18 kaarawan kahit nasa gitna ng [email protected]

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook           

Dahil ipinagbabawal pa rin ang mga malalaking pagtitipon dahil sa [email protected], isang intimate birthday party nalang ang inihanda ng mga ito para kay Kyline nitong September 3, 2020.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Ginanap sa isang restaurant ang sunflower themed birthday party ni Kyline na dinaluhan ng ilan sa malalapit niyang kapamilya at kaibigan.

Masayang-masaya pa rin si Kyline kahit hindi natuloy ang magarbong debut party niya ngayong taon.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Aniya sa debut video na ibinahagi ng Nice Print sa YouTube, “Ang sarap po sa pakiramdam na nakakita ako ng napakaraming tao pagkatapos ng napakaraming months sa [email protected] and with social distancing pa rin. I’m just really happy to see all of them and to catch up with all of them.”

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Isang video presentation din na naglalaman ng birthday greetings mula sa mga kasamahan ni Kyline sa industriya ang inihanda ng mga ito.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Hindi napigilang maging emosyonal ni Kyline habang pinapanood ang mga birthday message at wish ng mga kasamahan niya sa GMA.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Ilan sa mga ito ay mga nakatrabaho ni Kyline sa hit-primetime series niyang “Kambal Karibal” na sina Marvin Agustin at Alfred Vargas.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Nagbigay din ng kanilang mensahe para kay Kyline sina Kapuso actresses Marian Rivera, Barbie Forteza at Janine Gutierrez na nakasama niya sa Sunday noontime show ng GMA na “Sunday PinaSaya”.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Nagsagawa rin ng isang debut photoshoot si Kyline na regalo umano niya sa kanyang fans. Ito lang din daw ang magagawa niya dahil sa pagkakansela ng kanyang birthday party.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Isang fan-meeting din ang inihanda ni Kyline para sa ilan niyang tagahanga sa pamamagitan ng isang video conferencing app.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Samantala, sa kanyang vlog ay ikwenento ni Kyline na December noong nakaraang taon pa niya sinimulang planuhin ang pagdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawan na sa kasamaang palad ay hindi natuloy dahil nagkaroon ng [email protected]

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Gayunpaman, naiintindihan umano ni Kyline na wala na siyang magagawa pa kung hindi tanggapin nalang ang mga pangyayari.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Aniya sa vlog, “Maraming nagtatanong sa akin na ano daw pakiramdam ko o ok lang ba ako? But for me, kung ico-compare mo ‘yung nangyayari sa ating mundo ngayon sa aking debut, parang wala lang ang debut ko kumpara sa nangyayari sa ating mundo ngayon. So hindi na ako nagbaling ng negative emotion or negative energy doon sa problem na ‘yun ’cause hindi mo mareresolbahan ngayon ‘yun.”

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Dagdag niya, “Maybe next year, ‘di ba? Baka next year makapag-birthday party na ako and hindi naman ako talaga ma-birthday party na tao. Ok na ako sa simpleng dinner lang.”