Lara Quigaman, ikwinento kung gaano kahirap kumuha ng maayos na letrato kasama ang makukulit na anak

Napasabak si Lara Quigaman sa pag-achieve ng maayos na family pictures dahil sa sobrang kulit ng kanyang mga boys.

Bilang isang Mommy ng tatlong active na mga lalaking anak, nasusubok umano ang pasensya ni Miss International 2005 na si Lara sa tuwing nagpapakuha siya ng litrato kasama ang mga ito.

Credit: @laraquigaman Instagram

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Marco Alcaraz, ang asawa ni Lara, ay nagpunta sa JPark Island Resort & Waterpark sa Cebu ang buong pamilya. Nagkaroon ng bonding ang mag-asawa kasama ang mga anak kung saan ay makikita sa mga bagong post ni Lara sa Instagram na nag-swimming sila at naglaro sa buhangin. Isa na nga sa bonding ng kanilang pamilya ay ang pagkuha ng family pictures.

Credit: @laraquigaman Instagram

Hulyo 14 nang nagbahagi si Lara ng mga larawan sa kanyang Instagram account kung saan ay makikitang kasama niya ang asawa at ang mga anak na sina Noah, Tobias Nolan, at Moses na parehong makukulit sa harap ng kamera.

Ayon sa dating beauty queen, sobrang hirap umano makakuha ng larawan kapag ang kasama ay mga bata na siyang nagpainit sa kanyang ulo.

Credit: @laraquigaman Instagram

“Taking a family photo with young kids is sooooooo difficult! Yung isa napu-poopoo, yung isa naman tired daw siya at yung isa gusto dumedede palagi 🙈😂 and everyone wants to be with mommy! – minsan umiinit talaga ulo ko.”

“Buti na lang mabait ang pinakapanganay ko at mahilig magpapicture @marcoalcaraz 🙊,” pagbibiro ni Lara sa asawa.

Credit: @laraquigaman Instagram

Ayon pa kay Precious Lara ay nagmistulang “candid” na lamang ang lahat ng kanilang mga larawan dahil umano sa mood ng tatlong anak.

“Oh well! the best photos are the candid ones,” saad ng dating beauty queen bilang pambawi.

Credit: @laraquigaman Instagram

Marami namang netizens ang naka-relate sa struggle ni Lara lalo na ang kapwa niya Mommies. Ayon pa nga sa isang netizen na nagkomento na isa rin palang ina ng puro lalaki ay, “I feel u.same with my kiddos. We both same as #boysmom”.

Nagkomento rin si Marco sa mismong post ng asawa.

Credit: @laraquigaman Instagram

“#TeamMommy 🤍🤍🤍 we love you mom!!”

Sa ngayon ay umabot na ng 41, 419 likes at inulan ng papuri at “relate” na mga komento galing sa mga netizen ang post ni Lara sa Instagram.