Laughtrip duet ni Yassi Pressman sa TikTok video ni Joshua Garcia, malakas ang hataw sa netizens!

Hindi lang sa telebisyon naghahatid ng good vibes ang mga sikat ngayong celebrities kundi pati na rin sa ilang social media platforms gaya ng TikTok.

Credit: @garciajoshuae Instagram

Katulad na lamang ng “Viral Sc@ndal” actor na si Joshua Garcia na trending muli dahil sa kanyang panibagong TikTok video.

Hindi maikakailang inaabangan ng maraming netizens ang mga TikTok video ng aktor kung saan ipinapamalas niya hindi lamang ang kanyang talento sa pagsasayaw kundi maging ang kanyang angking kagwapuhan at karisma.

Sa katunayan, pumalo kaagad ng mahigit 11 million views ang panibagong TikTok video na in-upload ni Joshua ilang araw lamang matapos itong lumabas. Sa nasabing video, mapapanood ang swabeng pagsasayaw ni Joshua sa viral TikTok song na “She Make It Clap” (freestyle) ni Tory Lanez.

At parami nang parami rin ang nakiki-duet sa video ni Joshua na hindi lamang ginaya ang kanyang pagsasayaw kundi ginawan pa ito ng parody.

Credit: @yassipressman Instagram

Isa nga sa mga nakipag-duet kay Joshua ang aktres at magaling ding dancer na si Yassi Pressman. Ngunit kakaiba ang duet version na ito ni Yassi dahil imbes na sumabay siya sa pagsasayaw ni Joshua ay umarte siyang natatamaan sa dance moves nito.

Mapapanood sa video ang kwelang pag-arte ni Yassi nang mahampas siya ng kamay at masiko ni Joshua.

Laughtrip din ang hatid ng kwelang reaksyon ni Yassi matapos siyang mahampas at masiko ni Joshua sa dulo ng video.

Samantala, sa caption ay natatawang nag-sorry si Yassi kay Joshua dahil sa naisip niyang duet sa TikTok video nito.

Aniya, “Sorry Josh, I had to HAHA.”

@pressmanyassi #duet with @iam.joshuagarcia sorry josh 😂 i had to HAHA #FYP ♬ Use My Sound – Mixtape World

Kinagiliwan nga ng maraming netizens ang duet video nina Joshua at Yassi.

Malakas ang hatak ng video ni Yassi at sa ngayon ay mayroon na itong 7.7 million views, 1.1 million likes, at mahigit 2.3 thousand shares.

Credit: Yassi Pressman Tiktok

Libu-libo rin ang nagkomento sa ‘p@nanakit’ umano ni Joshua sa kanya.

Narito ang ilang nakakaaliw na reaksyon ng netizens sa duet video na ginawa ni Yassi.

Credit: Yassi Pressman Tiktok

“basta si juswa man@kit okay lang HAHAHAHAHa”

“Sana oil ka duet si Joshua”

Credit: Yassi Pressman Tiktok

“ung gigil sa last part eh HAHAHAHA”

“ang kyot lang ni Yassy”