Lauren Young, nagbigay ng virtual tour ng kanyang bagong bahay sa Subic!

Opisyal nang lumipat sa kanyang bagong bahay ang Kapuso actress na si Lauren Young. Sa kanyang YouTube channel, masayang ikwenento ni Lauren na umalis na siya sa kanyang nirerentahang condo unit sa Manila para manirahan sa Subic, Zambales.

Credit: Lauren Young YouTube

At dahil kasalukuyan umano siyang naka-break sa taping ng bagong teleserye na kanyang kinabibilangan na “Never Say Goodbye,” umuwi muna siya sa Subic.

Credit: Lauren Young YouTube

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga tagahanga ni Lauren na masilip ang kanyang bagong bahay sa Subic.

Credit: Lauren Young YouTube

Sa isang house tour vlog, masayang ipinakita ni Lauren ang kanyang bagong bahay.

“I have something interesting to show you today. So, I’m on break from my taping, and dahil wala na kong mauuwian sa Manila. I decided to go to my new house in Subic Bay!” saad ni Lauren.

Credit: Lauren Young YouTube

Dagdag niya, “Yes. So, I have officially moved out of Metro Manila and I’ve decided…I’m gonna give a house tour. Magha-house tour na ko. Dati walang ganito. Medyo lume-level up na ‘yung buhay natin.”
Bago magsimula, isang disclaimer muna ang ibinahagi ni Lauren.

Credit: Lauren Young YouTube

Nilinaw niyang hindi “glamoroso” ang kanyang bersyon ng house tour. Hindi umano tulad ng mga sosyal at talagang napaka-‘aesthetic’ tingnan na house tours na napapanood ng marami sa YouTube.

“By the way, this is not a glamorous house tour that you’re used to seeing on YouTube…I mean…we like to keep it real here. Hindi naman tayo nagkukunwari na mayaman tayo, na sosyal tayo, na may mood board tayo at saka sobrang aesthetic ng buhay natin,” aniya.

Credit: Lauren Young YouTube

Giit pa niya, “Kasi that’s just not me…I’m just assuming you guys like, watch my videos because it’s not glamorous. It’s just my real life and I’m very open to sharing it.”

Unang ipinakita ni Lauren ang living area kung saan makikita ang kanyang cozy sofa at ilang artworks. Ipinaliwanag naman niya na kaya niya nilagyan ng kumot ang kanyang sofa ay para hindi ito masira dahil sa kalmot ng kanyang mga alagang aso.

Credit: Lauren Young YouTube

Sa dining area, makikita ang isang simpleng 8-seater dining table.

Moderno at kumpleto naman sa appliances ang kitchen ni Lauren. Kwento pa niya, gustong-gusto niya ang kanyang kitchen at excited na siyang gumawa ng cooking videos dito. Tuwang-tuwa ring ipinakita ni Lauren ang maraming storage cabinets sa kanyang kitchen. Aniya, talagang ‘nakakayaman’ ang mga ito.

Credit: Lauren Young YouTube

Bukod sa house tour, nagsagawa rin si Lauren ng isang refrigerator tour.

Para naman kay Lauren, pinakamagandang bahagi ng kanyang bahay ay ang makikitang view mula lamang sa kanyang malawak na balcony.

Credit: Lauren Young YouTube

Ipinasilip din ni Lauren ang kanyang kwarto. Isang queen-sized bed ang makikita sa gitna ng kwarto ni Lauren. Sa tabi naman nito ay ang computer-working station at ‘abubot’ corner ni Lauren.

Samantala, pinakahuling ipinasilip ni Lauren ay ang kanyang bathroom at closet.