Letrato ni Angel Locsin na may mas fit na katawan, trending ngayon sa social media!

Muling ginulat ni Angel Locsin ang fans sa mas fit niyang katawan!

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Nitong mga nagdaang buwan, marami ang halos hindi makapaniwala nang nakita ang dagdag na bigat sa katawan ni Angel. Sa pagkakakilanlan niya bilang isa sa mga tinaguriang s3xiest women sa Pilipinas, halo-halo ang natanggap na reaksyon ng aktres sa kanyang pagdagdag ng timbang.

Dahil dito, nakatanggap siya ng mga hindi kaaya-ayang komento galing sa iilang netizens ngunit hindi ito hinayaan ni Angel na makaapekto sa kanya. Imbes binalewala niya ang kanyang bashers at mas piniling mahalin ang sarili at ang kanyang katawan.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Kamakailan lang ay muling sinurpresa ng aktres ang netizens nang magpost ito ng mga larawan na kita ang mas fit nitong katawan. Sa pagbabahagi ng isang “mirror shot” Instagram kung saan ay makikitang nakasuot si Angel ng itim na damit pang-ehersisyo, labis na nagulat ang kanyang followers at fans sa magandang resulta ng kanyang pag-eehersisyo.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Sa kabila ng magandang transformation, nanatili pa ring humble at mapagkumbaba si Angel.

“Remember to love every inch of you ๐Ÿงก,” sulat ni Angel sa kanyang caption.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Nagulat naman ang kapwa celebrities ni Angel dahil sa kanyang “body transformation”. Isa na nga sa mga ito ay ang mabuting kaibigan ni Angel sa showbiz na si Angelica Panganiban.

“Hayerp mars ๐Ÿ™Œ๐Ÿ™Œ๐Ÿ™Œ,” proud na komento ni Angelica.

Ayon naman kay Angel, dahil lamang daw sa angle at damit pang-exercise ni Anne Curtis kung bakit nagmukha siyang slim sa ibinahaging larawan.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

“@iamangelicap yung damit ni @annecurtissmith yung nakadaya mars! May majika yung @our.recess ๐Ÿ˜‚,” reply ni Angel sa komento ng kaibigan.

Isang set ng emoji naman ang komento ng best friend ni Angel na si Dimples Romana: “๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅโค๏ธ”

“@dimplesromana kalma angulo lang yan! Hahaha,” sagot naman ni Angel.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Sa nakakagulat at biglaang transformation sa katawan ng aktres, maraming netizens ang nagbigay ng papuri kay Angel.

“Ang s3xy mo ๐Ÿ™Œโค๏ธ”

“MISSSSSS ANGEEELLLL PAYAAAT NA ULIIIT”

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

“You are just so beautiful, a true example of determination, courage, selflessness and most importantly you are an exceptional human being๐Ÿ˜ I love you Angel,” komento ni @theoriginal_bossman.

Sa positibong komentong ito ng isang netizen, nireply-an ito ni Angel ng, “@theoriginal_bossman thank you for the kind words๐Ÿ™๐Ÿป”

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Dahil sa pagbabalik alindog ni Angel, nagsilbi siyang inspirasyon para sa mga taong gustong pumayat o bumalik sa dating katawan. Talagang pinatunayan ni Angel na may maganda talagang resulta ang disiplina sa sarili at ang self-love.