“Life is indeed in paradise”: Andi Eigenmann, balik Siargao na kasama ang pamilya at bagong silang na anak!

Isa sa mga sinusundang celebrity family ngayon sa social media ang pamilya ng aktres na si Andi Eigenmann.

Credit: @andieigengirl Instagram

Marami ang humahanga sa simple at masayang buhay ni Andi ngayon na malayo sa kanyang buhay noong aktibo pa siya sa showbiz.

Credit: @andieigengirl Instagram

Matatandaan na simula nang makilala ni Andi ang kanyang fiancè na si professional surfer Philmar Alipayo ay tumigil na siya sa pag-arte at mas piniling mamuhay nang simple kasama ang kanyang pamilya.

Na-in love rin si Andi sa napakagandang isla ng Siargao kung saan naman niya unang nakilala si Philmar.

Credit: @andieigengirl Instagram

At nang nagtagal ay doon na rin niya nahanap ang klase ng buhay na labis na nagpapasaya sa kanya ngayon.

Ngunit noong nakaraang taon, lumipad pabalik ng Maynila si Andi kasama ang kanyang ikalawang anak at unang anak nila ni Philmar na si Lilo.

Napagdesisyunan kasi nina Andi at Philmar na sa Maynila niya ipapanganak ang kanilang pangalawang anak.

At noong nakaraang January 17, isinilang ni Andi ang baby boy nila ni Philmar na si Baby Koa. Pagkatapos naman ng mahigit isang buwan mula nang isilang ni Andi si Baby Koa ay inanunsyo niya na nakabalik na silang magpamilya sa isla ng Siargao na kanilang tahanan.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Andi ang mga larawan nilang magpamilya habang nakasakay sa eroplano patungong Siargao.

Ayon kay Andi, nakabalik na sila sa kanilang tahanan sa Siargao. Matatandaan na si Andi at Lilo ay nanatili din sa Maynila ng walong buwan habang apat na buwan naman si Philmar.

Samantala, ang panganay na anak ni Andi na si Ellie ay nagtungo sa Maynila nang mas maaga kaysa sa kanila kaya isang taon din siyang hindi nakabalik sa Siargao.

“Went on our most meaningful adventure yet.. After (8 mos for me and Lilo, 4 for @chepoxz and 1 yr for Ellie), the happy island fam has finally made their way back to Siargao! Been back and busy enjoying fam time and settling into our new home. This explains our being MIA on social media,” ani Andi.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa pinakabagong update naman ni Andi sa kanyang Instagram, makikita ang pagtatampisaw sa dagat nina Lilo at Ellie.

Talaga nga namang na-miss nila ang napakagandang isla ng Siargao. Saad ni Andi, napakasarap umano sa pakiramdam na makabalik sa paraiso kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Sa kanilang pagbabalik sa Siargao ay napatunayan nga ni Andi na “life is indeed in paradise”.

“Been waiting years to finallyy be able to say, at long last we are home. Life is indeed in paradise,” pahayag ni Andi sa Instagram.

Credit: @andieigengirl Instagram

Noong nakaraang taon ay na-engage sina Andi at Philmar. Kaya naman inaabangan na ng lahat ang kanilang pag-iisang dibdib na tulad ng kanilang engagement ay tiyak pag-uusapan din!