Hindi natin maipagkakailang mayroon tayong isang espesyal na ugnayan sa ating mga lolo at lola.
Bukod sa ating mga magulang, ang ating lolo’t lola ay ang mga unang tao na nagpakita sa atin ng matinding pagmamahal at pag-aalaga.
Credit: @aldenrichards02 Instagram
Isa rin sila sa ating tinatakbuhan kapag may problema tayo at kinakailangan natin ng mga payo. Walang kapantay din ang pagmamahal nila sa atin na mahahalintulad sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ng ating mga magulang.
Kabilang nga si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards sa mga apo na malapit na malapit sa kanyang mga lolo’t lola.
Credit: @aldenrichards02 Instagram
Sa katunayan, nang nam@yapa ang tunay na ina ni Alden noong 2008 dahil sa pneum0nia, ang kanyang lola na si Linda Reyes na ina naman ng kanyang ina, ay siyang tumayo bilang kanyang pangalawang ina.
Isa nga si Lola Linda sa mga espesyal na babae sa buhay ni Alden na talaga namang mahal na mahal niya at mahalaga para sa kanya.
Nitong Araw ng mga Puso, ay hindi nakalimutan ni Alden na bigyan ng bulaklak ang kanyang Lola Linda para iparamdam dito ang kanyang pagmamahal.
Credit: @aldenrichards02 Instagram
Kahit abala si Alden sa pagtatrabaho ay sinigurado niya na padalhan ang kanyang Lola Linda ng isang bouquet ng bulaklak.
Ibinahagi ng ama ni Alden na si Richard Faulkerson Sr. o mas kilala rin bilang “Daddy Bae” sa kanyang Instagram ang litrato ni Lola Linda na masayang-masaya habang hawak ang bouquet ng bulaklak na pinadala ng actor-host.
Maliban sa bouquet ay isang simple at sweet message rin ang isinulat ni Alden sa isang greeting card.
Mensahe ni Alden sa kanyang Lola Linda, “Lola, Happy Valentine’s Day!!! Love, Rj.”
Credit: @aldenrichards02 Instagram
Sa mga nagtatanong kung bakit ‘Rj’ ang nakalagay na pangalan sa sulat ni Alden ay dahil inisyal ito ng kanyang tunay na pangalan na Richard Faulkerson Jr.
Umani naman ng maraming papuri at paghanga si Alden mula sa mga netizen dahil sa kanyang pagiging ‘sweet’ na apo. Komento ng netizens:
“Sweet naman! Kaya sobrang blessed!”
Credit: @aldenrichards02 Instagram
“Awwww talaga namaaan why wouldn’t you love that man Happy Valentine’s Day po”
“Happy Valentine’s Day po sa inyo. Napakasweet at thoughtful na apo.”
Si Alden ay isang Kapuso actor na mas lalong sumikat at nakilala ng marami matapos siyang gumanap bilang katambal ni Maine “Yaya Dub” Mendoza sa “Kalye Serye” segment ng Eat Bulaga noong 2015.