Liz Uy, blooming sa pagbubuntis sa kanilang ikalawang baby ng negosyanteng si Raymond Racaza

Blooming at halatang ini-enjoy ngayon ang celebrity stylist at businesswoman na si Liz Uy ang kanyang pagbubuntis. Si Liz ay buntis sa ikalawang anak nila ng negosyanteng si Raymond Racaza.

Credit: Liz Uy Instagram    

Kamakailan nga ay umani ng papuri mula sa mga netizen ang kanyang mga s3xy pregnancy photo na kuha mula sa kanyang ginawang maternity shoot.

Sa isang litrato makikita si Liz na ibinibida ang kanyang baby bump suot lamang ang isang see-through white dress at bikini.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liz Uy (@lizzzuy)

Inamin ni Liz na medyo nahihirapan siya sa pag-style ng kanyang mga susuotin dahil may kalakihan umano ang ipinagbubuntis niya ngayon kaysa sa kanyang unang anak na si Xavi.

Credit: Liz Uy Instagram

Ani Liz, “I’ve been asked how to style or dress up during a pregnancy. Quite hard, really, since baby 2 is bigger (and heavier!) than Xavi.”

May payo naman si Liz sa mga tulad niyang buntis at nahihirapan na mag-style ng kanilang mga susuotin.

Credit: Liz Uy Instagram

Ani Liz, “But there is always a way to put a little glam into blah days. Embrace and enjoy it!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liz Uy (@lizzzuy)

Matatandaan na December 2020 inanunsyo ni Liz ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ni Raymond sa pamamagitan ng isang artikulo na siya mismo ang sumulat para sa PHILSTAR LIFE.

Sa nasabing artikulo, sinabi ni Liz na nalaman nila na sila ay buntis sa pagtatapos ng ikatlong buwan mula nang magsimula ang l0ckdown sa bansa.

Ani Liz, “We were closing in on the fourth month of an endless l0ckdown when I found out that I was pregnant with our second baby.”

Credit: Liz Uy Instagram

Dagdag ni Liz, “I ran to Raymond and we were both screaming in delight. In the midst of a p@ndemic, we found this piece of good news filling up what was otherwise a glass half full of uncertainty in 2020.”

Kwento pa ni Liz, ang kanyang pagbubuntis ang nagturo sa kanya “to embrace and share [her] life’s simple joys as well as struggles.”

Credit: Liz Uy Instagram

Dagdag ni Liz, “Having a baby is a journey that shook me to the core, but its rewards are immeasurable, overshadowing every discomfort and burying all the pain.”

Gayundin, sinabi ni Liz na ginawang mas makabuluhan ng kanyang mister na si Raymond ang kanyang pagbubuntis ngayon.

Aniya, “Best of all, I have a husband who makes motherhood an even greater journey. There is love, and there is unconditional love that I share with Raymond and Xavi, and soon enough, with our second child.”

Credit: Liz Uy Instagram

Samantala, inanunsyo naman ni Liz na engage na sila ni Raymond October noong nakaraang taon.