LJ Moreno, napa-wow sa nang makita ang high-tech features ng kanyang bagong biling sasakyan sa Amerika

Hindi maiwasan ng aktres na si LJ Moreno na mamangha sa kanyang bagong sasakyan na nabili nila ng kanyang pamilya sa Amerika.

Credit: Alapag Family Fun YouTube    

Ito ang unang beses na bumili ng kanyang sariling sasakyan si LJ mula nang lumipat sila ni Jimmy Alapag kasama ang kanilang tatlong anak na sina Ian, Keona at Calen sa Amerika.

Matatandaang noong September ay umalis sa bansa ang pamilyang Alapag patungong Amerika para roon na manirahan.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Nitong December 5, sa kanilang YouTube channel, mapapanood si LJ kasama ang kanyang pamilya na nagtungo sa Honda Cars sa Los Angeles, California para bumili ng bagong sasakyan.

Sa umpisa ng vlog, ipinaliwanag ni LJ na kaya siya hindi bumili noong una ng sasakyan ay dahil ginagamit niya ang sasakyan ng kanyang kapatid na lumipat na sa Pilipinas.

Kinailangan naman ni LJ na bumili ng kanyang sariling sasakyan dahil may trabaho na umano ang isa pa niyang kapatid at ang sasakyan na ginagamit niya ang gagamitin nito.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Ani LJ sa vlog, “Today’s episode is about when I finally got a car. I didn’t want to buy at first because when we got here hindi pa naman kailangan. It came a time na kailangan na talaga namin ng two cars…”

Nang makarating na sina LJ sa nasabing car company ay una muna nilang chineck ang sasakyan na napusuan nilang bilhin.

Unang kita pa lamang ni LJ sa sasakyan ay gustong-gusto na niya ito.

Ani LJ matapos makita ang sasakyan, “Oh my gosh. It’s so nice…Sana makuha natin ‘to. Oh my gosh. I like it. It reminds me of the CRV but more spacious…”

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Siyempre, tinest drive muna ni LJ ang sasakyan. Napa-wow naman ang aktres sa high-tech features ng kanyang bagong sasakyan.

Natatawang saad ni LJ, “Oh my gosh walang ano. Paano ‘to? Grabe de-pindot siya? Wala po sa bundok namin ‘to…Oh my gosh amazed na amazed…It’s all pindot-pindot guys. You pindot the on, you pindot the off.”

Habang ipinapaliwanag naman ng sales representative ng car company ang mga feature ng sasakyan ay puro “oh my gosh” lamang ang nasambit ni LJ.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Ilan sa mga high-tech feature ng sasakyan ni LJ ay wireless charger station at DVD player. My heater system din ang manibela at mga upuan ng sasakyan.

Sa description ng vlog, inamin din ni LJ na namangha talaga siya kung gaano na ka-high-tech ang mga sasakyan ngayon.

Credit: Alapag Family Fun YouTube

Aniya, “We brought home a new baby today! So excited to buy a new car and I was so in awe with its features. Crazy how cars are so high tech now. Shout out to the kuyas in the dealership who helped us out and assisted all the way. Hope you enjoy this video as much as we did shooting it.”