LJ Reyes at Paolo Contis, proud parents sa kanilang 2-years old na anak na si Summer sa pagsabak nito sa kanyang first TV commercial

Sa kanyang murang edad ay marami na ang napapasaya ng napakabibong anak nina LJ Reyes at Paolo Contis na si Summer. Madalas siyang maging bida sa mga video na ibinabahagi ni LJ at Paolo sa kani-kanilang Instagram account.

Credit: @lj_reyes Instagram

Tulad ng kanyang mga magulang ay makikitaan din si Summer ng hilig sa pag-arte. Sa katunayan, acting coach ni Summer ang kanyang Daddy Paolo. Pinupusuan ng marami ang kanilang father-and-daughter videos na talaga namang naghahatid good vibes. Bukod kasi sa mabilis matuto si Summer, isa rin siyang napaka-cute at napakakulit na bata.

Ang masayahing personalidad at ipinapakitang talento nga sa pag-arte ni Summer ang naging susi para madiskubre siya at kunin bilang isang endorser.

Credit: @lj_reyes Instagram

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni LJ sa kanyang Instagram account na katatapos lamang gumawa ni Summer ng isang TV commercial.

Unang beses itong sumabak ni Summer sa isang TV commercial shoot kaya naman hindi mapigilan ni LJ na maging proud mommy.

Credit: @lj_reyes Instagram

Pinuri rin ni LJ si Summer dahil sa ipinakitang galing nito sa kanyang first-ever TV commercial shoot.
Sinabi pa ni LJ na dahil sa bigay-todong performance ni Summer ay nakalimutan niyang dalawang taong gulang pa lamang ito.

Ani LJ, “Anak, wardrobe check palang! Bigay todo ha!!!🤣🤣🤣 still can’t believe she finished a TVC shoot! Such a trooper, and a good one at that!❤️ minsan nakakalimutan ko talaga na 2yo lang sya!🤣 (BTS soon! G?)”

Credit: @lj_reyes Instagram

Tulad ng kanyang ipinangako ay ipinasilip ni LJ ang behind-the-scenes ng unang TV commercial shoot ni Summer.

Mistula namang naglalaro lamang si Summer at napaka-natural ng kanyang mga galaw na mapapanood sa behind-the-scenes video na ibinahagi ni LJ.

Credit: @lj_reyes Instagram

Nakakahanga talaga ang ipinapakitang acting performance ni Summer na mukhang namana naman nito sa kanyang mga magulang na mahusay na artista rin.

Para naman kay LJ kahit lumaki man si Summer ay mananatili pa rin itong baby niya.

Aniya, “At eto na nga!!! Behind the scenes to Summer’s first TVC is up now! Link in my bio!!! Sure ako gusto nyo tong mapanuod!😝 And it also is very new to us shooting from home!❤️ so proud of this baby!!! (Yes toddler na sya pero baby pa rin sya para sakin!😁 forever yan!)”

Isinilang ni LJ si Summer noong January 4, 2019. Maliban kay Summer, may isa pang anak si LJ na si Aki sa kanyang dating nobyo na si Paulo Avelino.