LJ Reyes, malaki ang pasasalamat sa kanyang partner na si Paolo Contis dahil sa mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya

Sa gitna ng p@ndemya ay mas napatunayan pa ng aktres na si LJ Reyes kung gaano kabuti at karesponsableng ama at partner ang comedian-host na si Paolo Contis.

Credit: @lj_reyes Instagram

Ibinahagi ni LJ kamakailan sa panayam sa kanya ng GMA na malaki ang pasasalamat niya kay Paolo dahil sa sakripisyo na ginagawa nito para matustusan ang pangangailangan nilang magpamilya at maging ligtas sila lalo na ngayong panahon ng p@ndemya.

Kwento ni LJ, “I mean, sobra-sobra ‘yung sacrifice niya kasi siyempre ano ba ang trabaho namin, sobrang na-realize ko na he would shield us from anything na lagi niyang sinasabi sa akin na huwag ka nang lumabas.”

Credit: @lj_reyes Instagram

Sinabi rin ni LJ na pinagbawalan siya ni Paolo na mag-grocery noong kasisimula pa lamang ng p@ndemya.

Ani LJ, “So, ayaw niya akong mag-grocery kasi ayaw n’ya na ma-expose ako sa labas kasi ako ‘yung hinahanap ng mga bata, sa akin dikit ‘yung mga bata. As in, hindi talaga siya naggo-grocery kaya parang ako, ‘hala ano nangyari?”

Credit: @lj_reyes Instagram

Ayon pa kay LJ, ngayon lamang niya na-‘appreciate’ ang pakiramdam na magkaroon ng katuwang sa buhay. Ani LJ, dahil kay Paolo kaya nabigyan siya ng ‘choice’ sa buhay at ito ay tumigil muna sa pagtatrabaho para matutukan ang kanyang mga anak.

“Tapos noong slowly bumabalik na nga to work, lagi niya sinasabi na ‘you can stay at home.’ You have a choice and ‘yung choice na ‘yun importante’ yun sa ating babae kasi ‘yun ‘yung feeling ko nawala sa akin before,” pag-amin ni LJ.

Credit: @lj_reyes Instagram

Dagdag niya, “So ngayon, parang naa-appreciate ko na, uy, meron akong katuwang. Hindi ka na parang walang choice…kasi isipin mo rin ‘yung mga bata.”

Inamin din ni LJ na ang karanasan niya bilang nanay sa kanyang panganay na si Aki at sa anak nila ni Paolo na si Summer ay magkaiba dahil na rin noon ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magtrabaho.

Saad ni LJ, “Mahirap sobra. Mahirap na nga to begin with maging isang nanay tapos isasabay mo pa na magpo-provide ka rin. Magkaiba ‘yung experience ko with Aki (anak niya kay Paulo Avelino) and Summer. Siyempre, with Aki, I had no choice. I had to work kasi I also had to provide for our small family.”

Credit: @lj_reyes Instagram

Kaya naman masasabi ni LJ na sobrang ‘blessed’ niya na magkaroon ng partner na tulad ni Paolo.

Giit ni LJ, “With Summer, I’m so blessed that I have a choice. Kung gusto kong magtrabaho, magtatrabaho ako, kung hindi ko gusto magtrabaho, Paolo will have the choice to work.”

Si Aki ay anak ni LJ sa kanyang dating nobyo na si Paulo Avelino.

Credit: @lj_reyes Instagram

Samantala, sa ngayon ay mas pinili muna ni LJ na huwag sumabak sa mga lock-in tapings para masigurado ang kaligtasan ng kanilang mga anak.