Kakaiba talaga ang paraan ng Panginoon sa pagbibigay ng biyaya sa ating buhay. Maaaring materyal na bagay o hindi kaya’y nararamdaman natin ang blessing sa pagdating ng isang tao na mas makakapagbigay ng kasiyahan sa ating buhay katulad na lamang ni LJ Reyes na sinubok man ng napakaraming problema ay nakabangon naman siyang muli dahil sa inspirasyong ibinigay sa kanya ng mga anak.
Credit: @lj_reyes Instagram
Maliban sa pagkakakilanlan ni LJ Reyes bilang isang sikat, mahusay, at magandang aktres sa industriya ng showbiz, isa rin siyang kahanga-hangang Mommy sa kanyang dalawang anak na sina Aki at baby Summer.
Matapos ang isyung hiwalayan nila ng dating partner na si Paolo Contis, lumipad ang aktres kasama ang kanyang mga anak sa New York at ngayon ay patuloy sa pagbibigay ng updates sa kanilang buhay sa pamamagitan ng mga larawang ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account.
Matapos ang kanilang selebrasyon sa nagdaang Pasko at ang pagsalubong sa taong 2022, ipinagdiwang naman ni LJ ang kaarawan ng kanyang baby girl nito lamang Martes, January 4.
Bilang isang magulang, halos hindi makapaniwala ang aktres ngayong tatlong taong gulang na ang kanyang bunsong anak ngunit hindi rin niya maipagkakaila na mas mature si baby Summer kumpara sa edad nito.
Credit: @lj_reyes Instagram
“I wanna say “I can’t believe you’re 3!” but it has always felt like you’re much older than you actually are!” sulat ni LJ sa unang bahagi ng kanyang caption kalakip ng mga larawan ni baby Summer.
Isang biyaya umano mula sa Panginoon si baby Summer kung kaya’t tinatawag ito ng aktres bilang “God-sent angel” na palagi umanong nagbibigay buhay at kasiyahan sa bawat araw ni LJ.
Sabi ni LJ, “You are a God-sent angel who never fails to brighten up our day with your non-stop talking and singing, and dancing too! Thank you for bringing so much joy in my life! I am so grateful to be your mother!❤️🙏🏻”
Credit: @lj_reyes Instagram
Hiling naman ni LJ para sa anak, “continue making pa-cute to mommy kasi kilig na kilig ako❤️😍”‘
Isang sweet na “I love you sooooo much my love Summer!❤️ Happiest birthday!!!” naman ang makikita sa huling bahagi ng mensahe ni LJ.
Sobrang bagay sa kanyang pangalan na “Summer,” tunay nga na isang vibrant, masayahin, at bibong bata ang baby girl ni LJ. Maliban sa panganay ng aktres na si Aki, isa rin si baby Summer sa mga taong nag-udyok kay LJ na muli siyang makakahanap ng kasiyahan at pagmamahal sa mundo na natagpuan naman niya ngayon sa piling ng mga anak.
Credit: @lj_reyes Instagram
Maligayang kaarawan, baby Summer!