LJ Reyes, na-inspire sa kwento ng isang kapwa “single mom” na na-feature sa kanyang vlog series

Maliban sa superheroes na nakikita natin sa mga palabas, may mga tao rin na talagang kahanga-hanga sa totoong buhay— ang ating mga ina.

Credit: @lj_reyes Instagram

Nanggaling man sa napakas@kit na break up, hindi hinayaan ni LJ Reyes ang sarili na malugmok sa kalungkutan. Imbes, pinili niyang bumangon at magpatuloy kahit na’y napakaraming challenges ang kanyang kahaharapin bilang isang “single mom”.

Nabigo man sa pagmamahal, pinili pa rin ni LJ na maghatid ng inspiration sa fans at followers. Sa bagong series niyang “Wonder Stories” kung saan ay featured ang kapwa niya “single mom,” hinaplos ni LJ at ni Mommy Farah Christie ang mga manonood.

Credit: @lj_reyes Instagram

“We want to empower individuals and we want to share stories that will inspire each and every one of us, myself included. We will be sharing stories about ordinary people with extraordinary stories,” pahayag ni LJ sa unang bahagi ng kanyang vlog.

Ayon sa aktres, nagkakilala umano sila ng kanyang guest na si Farah dahil sa anak nito na si Ricci na isang fan ni LJ.

“I virtually met her on Instagram. She messaged me one time to ask for a greeting for her daughter, Ricci who is differently-abled,” sabi ni LJ.

Credit: @lj_reyes Instagram

Sa kanilang interaksyon, kaagad umanong na-inspire si LJ sa storya ng kapwa “single mom” at inimbitahan ito upang ibahagi ang nakaka-inspire na kuwento sa mundo.

Pagbabahagi ni Mommy Farah, mahirap umano para sa kanyang anak na si Ricci ang makaalala ng mga detalye sa kanyang araw-araw na siyang madalas na nagpapalungkot sa bata pero dahil sa panonood ng vlogs at pag-iidolo kay LJ, “na-lessen” umano ang kalungkutan na nararamdaman ni Ricci na talagang ipinagpapasalamat ni Mommy Farah.

Credit: @lj_reyes Instagram

“At first, it was hard kasi you’re mother yourself,” naluluhang sabi ni Mommy Farah.

Mas@kit para kay Mommy Farah ang kondisyon ng bunsong anak pero nagawa pa rin niyang mapalaki ng maayos ang dalawang anak ng mag-isa.

Sa wagas na pagmamahal ni Farah sa anak, hindi napigilan ni LJ na purihin ang guest.

“I admire you as a mother na parang you think of different ways. You’re very creative. ‘Yung pagmamahal mo sa kids mo, it’s very fair, parang napaka-unconditional ng love mo sa kanila. And I see how strong of a woman and a mother you are,” sabi ni LJ.

Dagdag pa ng aktres, “I can feel your love for your kids. I can relate.”

Sa interaksyon nila sa Instagram hanggang sa nagkausap virtually, nakaramdam na umano kaagad si LJ ng connection.

Credit: @lj_reyes Instagram

Ang sadya man ay maghatid ng mga kuwento na magsisilbing inspirasyon sa fans, aminado si LJ na pati siya ay na-inspire rin sa kuwento ng kapwa “single mom”.