LJ Reyes, naging emosyonal sa sinabi sa kanya ng kanyang anak na si Aki sa gitna ng hiwalayan nila ni Paolo Contis

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis. Ito ay matapos tuluyang binasag ni LJ ang kanyang katahimikan upang linawin ang ilang kumakalat na haka-haka patungkol sa paghihiwalay nila ng aktor.

Credit: @lj_reyes Instagram 

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang host na si Boy Abunda, malinaw na inamin ni LJ na hiwalay na nga sila ni Paolo at iginiit niyang hindi isang “mutual decision” ang kanilang paghihiwalay.

Matipid at maingat si LJ sa kanyang mga binibitawang salita. Kapansin-pansin din ang kanyang hirap habang ikwenekwento kung paano nagwakas ang 6 na taong relasyon nila ni Paolo.

Credit: @lj_reyes Instagram

Sa nasabing panayam, ibinahagi rin ni LJ na labis siyang nasasaktan para sa kanyang mga anak na naapektuhan sa hiwalayan nila ni Paolo.

Binalikan ni LJ kung paano niya ipinaliwanag sa kanyang anak na si Aki na hiwalay na sila ni Paolo matapos nitong magtanong sa kanya.

Aminado si LJ na hindi niya agarang nasagot ang kanyang anak dahil labis siyang nasasaktan. Gayunpaman, nagpakatatag umano siya na sabihin dito ang totoo dahil nais niyang sa kanya mismo manggaling ang katotohanan.

Credit: @lj_reyes Instagram

“Wala pong social media si Aki, pero may one time lang na nagtanong siya sa akin, kung ano ba talaga ang dahilan. Parang ang feeling niya, may iba pang dahilan…issue. So, napakasakit po ng tanong sa akin ng anak ko. I needed time. Hindi ko po masagot on the spot,” mangiyak-ngiyak na lahad ni LJ.

“Ta’s [I gathered myself] kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto ko kasi sa akin manggaling ang truth. Sa panahon ngayon ng social media, marami siyang puwedeng mabasa. Marami siyang puwedeng marinig. Maraming tao ang puwedeng gumawa ng kuwento, pero gusto ko, sa akin manggaling ang katotohanan,” dagdag ni LJ.

Credit: @lj_reyes Instagram

Mahirap man ngunit matapang na sinagot ni LJ ang mga katanungan ng kanyang anak.

“Sabi ko sa kanya, ‘I will never lie to you at ako ang paniniwalaan mo. Kung meron kang tanong, sasagutin ko.’ So, kinuwento ko po ang mga dahilan kung bakit nangyari ang lahat. Sinabi ko sa kanya, ‘I’m sorry for everything. I wanted a complete family for you and Summer,” paglalahad ni LJ.

Credit: @lj_reyes Instagram

Si Summer ay ang 2-anyos na anak nila ni Paolo. Maluha-luha ring ikwenento ni LJ ang nakakaantig na sinabi ni Aki sa kanya.

“Tapos sabi niya sa akin, ‘You complete us, mom.’ Grabe po ang kirot sa puso ko. Na-touch po ako sa bata. Sobra. Napaka-sweet po na bata ni Aki. At ‘yun po ‘yung pinoprotektahan ko,” ani LJ.

Credit: @lj_reyes Instagram

Lingid sa kaalaman ng karamihan, si Aki ay anak ni LJ sa kanyang dating nobyo na si Paulo Avelino. Pagbubunyag ni LJ, itinuring ni Paolo na anak si Aki habang itinuring naman ni Aki na tunay na ama ang aktor.