LJ Reyes, todo sa pagwo-workout kasama ang kanyang adorable baby girl na si Summer sa New York!

Kamakailan lang, napanood ng marami ang emosyonal na panayam ni LJ Reyes kasama ang host na si Boy Abunda sa YouTube channel nito. Sa nasabing panayam, mangiyak-ngiyak na ibinahagi ni LJ ang ilang detalye ng breakup nila ni Kapuso actor Paolo Contis.

Credit: @lj_reyes Instagram

Matapos naman ang kanilang kontrobersyal na hiwalayan, nagpasya si LJ na umalis sa bansa kasama ang kanyang mga anak na sina Aki at Summer. Si Aki ay ang anak na lalaki ni LJ sa kanyang dating kasintahan na si Paulo Avelino, habang si Summer ay anak naman nila ni Paolo.

Credit: @lj_reyes Instagram

Umani nga ng maraming paghanga si LJ mula sa mga netizen dahil sa kabila ng [email protected] na paghihiwalay nila ni Paolo ay nanatili siyang matatag para sa kanyang sarili at mas lalong-lalo na para sa kanyang mga anak.

Credit: @lj_reyes Instagram

Ipinakita ni LJ sa lahat na pagkatapos ng hiwalayan nila ni Paolo ay mas lalo pa niyang minahal at hindi pinabayaan ang kanyang sarili.

Ilang araw lamang kasi matapos ang panayam sa kanya ni Tito Boy ay nag-post si LJ ng kanyang mga litrato ng pagdalo niya sa sikat na New York Fashion Week. At sa mga litrato na ibinahagi ni LJ tila wala nang bakas ng masalimu0t na paghihiwalay nila ni Paolo. Sa katunayan, mistulang hindi dumaan sa isang [email protected] na breakup si LJ dahil sa kanyang angking kagandahan at kaseks!han sa mga litrato.

Pinatunayan lamang ni LJ na ang mga babaeng nasaktan ay muling babangon at magbabalik ng mas matatag at mas maganda!

Credit: @lj_reyes Instagram

Samantala, sa kanyang Instagram account ay ipinasilip ni LJ ang kanyang workout routine kung saan ay naging workout buddy niya ang kanyang adorable baby girl na si Summer.

Makikita sa Instagram stories ni LJ na game na game na ginaya ni Summer ang ilang workout routines niya kahit na antok na antok pa ito.

Credit: @lj_reyes Instagram

Caption naman ni LJ sa kanyang IG story, “Yung antok ka pa pero ad!k ung kasama mo mag-workout! Pero game na game ka naman.”

Saad pa ni LJ sa kanyang IG, “back to regular programming” na siya ngayon.

Credit: @lj_reyes Instagram

Matatandaang sinabi ni LJ sa kanyang panayam kay Tito Boy na kaya sila umalis papuntang New York ay para matulungan ang kanilang sarili na maka-recover “emotionally and mentally” mula sa nangyari at “[to] rebuild [themselves] as a small family.”