Lolit Solis, pinuri si Gretchen Barretto dahil sa pagbahagi ng ayuda sa mga kapwa celebrities at miyembro ng press

Sinabi ni Lolit Solis na labis ang kanyang pasasalamat nang nakatanggap ng “ayuda” galing kay Gretchen Barretto.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Muling pinatunayan ni Gretchen ang kabutihan ng kanyang puso nang nagpadala ito ng tulong sa kapwa celebrities at iilang kakilala sa industriya ng showbiz sa kalagitnaan ng [email protected] Isa na nga sa mga nakatanggap ng ibinahagi niyang “ayuda” ay si Lolit Solis.

Kilala si Lolit Solis bilang isang beteranang columnist at talent manager. Well-known siya ng karamihan dahil sa kanyang mga prankang komentaryo sa iilang artista. Muling nag-trending ang 74 taong gulang na columnist nang ibinunyag niya sa social media na pinadalhan siya ng “ayuda” o kung tawagin ni Gretchen bilang “Gretchen Love Box” o “Gretchen Ayuda”.

Credit: @akosilolitsolis Instagram

Huwebes, September 9 nang ibinahagi ni Lolit sa Instagram ang larawan ni Gretchen kalakip ng kanyang mensahe ng papuri sa dating aktres.

“Walang tatalo pa sa ginawa ni Gretchen Barretto na magbigay ng Gretchen Love Box o Gretchen Ayuda, Salve,” pahayag ni Lolit.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Ayon pa sa kanya, wala umanong ibang celebrities na makakatapat sa kabutihang-puso ni Gretchen. Hindi umano maipagkukumpara ang dating aktres sa ibang mayayabang na celebrities na may mga koleksyon ng mamahaling bags at jewelry pero hindi man lang nakaisip na tumulong.

Dagdag pa ni Lolit, “Hindi gumagawa ng pelikula, serye, o anuman si Gretchen. Hindi rin siya tatakbo sa eleksiyon. Wala lang , gusto niya lang bigyan ang almost 100% ng showbiz press, mga kapwa artista, ilang taga showbiz na nakasama niya.”

Pinuri rin ni Lolit si Gretchen dahil malayo umano ang mga natanggap niya dito kumpara sa ayuda na ibinibigay ng ibang mga organisasyon dahil ang ayuda ni Gretchen na  “Gretchen Love Box” ay mamahalin ang kasamang bigas at imported ang groceries.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Kahit celebrities at mga personalidad sa showbiz na hindi man nakaunawaan ni Gretchen ay pinadalhan pa rin nito ng ayuda sa kani-kanilang mga bahay dahilan kung bakit puring-puri si Lolit sa kabaitang ipinamalas ni Gretchen.

“Tulad ni Gretchen na talagang nagbigay respeto dahil personal na dinala ang tulong o regalo sa bahay ng bawat isa,” sabi pa ni Lolita.

Sinigurado naman ni Lolit na hinding-hindi malilimutan ng showbiz ang kabutihang ginawa ni Gretchen sa kapwa nito celebrities. Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa mga taong nasa likod ng ideyang ito ni Gretchen at sinabi rin na kung sa dating aktres mismo nanggaling ang ideya ay saludo umano siya nito.

Credit: @akosilolitsolis Instagram

“At kung ito ay mismong idea ni Gretchen, bow ako sa big heart niya. Incomparable, unforgettable, remarkable talaga.”

Sa saludong naramdaman ni Lolit, sinabi niyang “A big bow to you Gretchen”.

Sa kasagsagan ng [email protected], mabuti ang pagtutulungan. Sa panahon ng kahirapan at kagipitan, epektibo ang pakikipagkapit-bisig sa kapwa.