Lookalike ni Jericho Rosales, isa naging instant endorser ng iba’t ibang brands!

Saan aabot ang pagiging ka-lookalike ng isang Jericho Rosales?

Credit: Hyobz Perez Facebook

Hindi talaga biro ang impluwensya ng social media dahil ang noo’y simple at ordinaryong buhay ng isang lalaki sa Davao De Oro ay automatic lang namang nagbago dahil sa uncanny na pagkakahawig niya sa sikat na aktor sa lokal na industriya ng showbiz na si Jericho Rosales!

Unang namataan si Junrey Baug ng grupo ni Hyobz Perez sa plaza ng Monkayo, isang munisipalidad sa Davao De Oro at dahil sa matinding pagkakahawig nito sa aktor na si Jericho Rosales, kaagad na nagpa-picture ang magkakaibigan sa kanya at ibinahagi ang kanilang mga larawan sa Facebook na kaagad namang pinagkaguluhan ng netizens.

Credit: Hyobz Perez Facebook

“Sir Bhai with Kuys Echo ng Monkayo, Davao de Oro,” sulat ni Hyobz Perez sa caption ng kanyang post na ngayon ay umabot na ng lagpas 3K ang likes at reacts at mahigit 10K shares.

Matapos mag-viral ang nasabing post, marami at magkakasunod-sunod din ang natatanggap na opportunities ni Junrey o kung tawagin ng karamihan bilang si Kuya J kabilang na nga dito ay sandamakmak na photoshoots at isa na ngayong endorser ng Shiro Skincare, Lipogen Health and Wellness, at marami pang iba!

Credit: Hyobz Perez Facebook

Sa katunayan, abala ngayon si Kuya J sa kaliwa’t kanan niyang endorsements at photoshoots na talaga namang patok na patok sa netizens. Bagama’t nagsisimula pa man ang kanyang pag-angat sa kasikatan, hindi naman maipagkakaila na secured na ang kanyang promising na future sa mundo ng showbiz.

At dahil isa na ngayong public figure, may sarili ng page sa Facebook at sariling Youtube channel si Junrey Baug na ngayon ay umani na ng lagpas 15K subrcribers. Tuloy-tuloy talaga ang pagsikat ni Kuya J!

Credit: Hyobz Perez Facebook

Matapos ang isang fateful na encounter niya sa isang grupo ng magkakaibigan, kaagad na naramdaman ni Junrey Baug ang twist sa kanyang buhay at ito ay ang pagiging patok niya sa netizens dahil sa pagkakahawig niya kay Jericho Rosales. Tunay nga naman kasing isang bibihirang pagkakataon ang pagkakaroon ng ka-lookalike lalo na’t kopyang-kopya talaga niya ang gwapong mukha ng sikat na aktor na tila ba’y magkapatid sila.

Credit: Hyobz Perez Facebook

Dahil sa patuloy na pagtanggap ni Kuya J ng endorsements at oppurtunities ngayon, unti-unti na siyang namamaalam sa kanyang ordinaryong life upang i-welcome ang buhay sa showbiz.