Lorin at Venice Gutierrez, na-meet na ang kanilang half sister na si Ilknaz Bektas!

Sino pa ba ang hindi nakaka-get over sa heartwarming na reunion ng Gutierrez sibs at ng kanilang Turkish Daddy na si Yilmaz Bektas? Maliban sa kanilang nakaka-touch na moment sa airport, sa wakas ay na-meet na rin ni Lorin at Venice Gutierrez ang kanilang kapatid na si Ilknaz Bektas. Katulad sa reunion kasama ang ama, sobrang sweet at adorable rin ng bawat moment ng magkakapatid habang nasa Turkey!

Credit: @loringabriella Instagram

Ang ating ultimate na bestfriend sa buhay ay ang ating mga kapatid. Kahit na’y unang pagkikita at pagkakakilala lamang ni Lorin at Venice Gutierrez sa kanilang kapatid na si Ilknaz Bektas, para namang magkasama na sila sa kanilang buong buhay dahil sa closeness at magandang relationship na nabuo nila.

Nito lamang, lumipad sa Turkey ang magkakapatid na si Lorin at Venice upang makitang muli at makasama ang kanilang ama na si Yilmaz Bektas matapos ang 15 taon na pagkakawalay. Sa update ng kanilang Mommy na si Ruffa Gutierrez, mapapanod ang heart-wrenching na reunion ng mag-aama sa airport ngunit hindi lamang dito natatapos ang magagandang moment ng Gutierrez sibs habang nasa kanilang bakasyon sa Turkey dahil nakilala na rin nila ang kapatid na si Ilknaz Bektas.

Credit: @loringabriella Instagram

Sa update ni Lorin sa kanyang Instagram account, nagbahagi siya ng mga larawang kuha sa kanilang pamamasyal sa iba’t-ibang lugar kasama ang mga kapatid na sina Venice at Ilknaz. Sa parehong post, makikita ang kanilang mirror selfie kung saan ay hindi naiwasan ng netizens na mapansin ang kagandahang taglay ng magkakapatid.

“Beautiful sisters!!! ❤️🔥❤️🔥”

“so insanely beautiful ❤️”

“Gaganda nyo lahat😍”

Credit: @loringabriella Instagram

Sa post naman ni Ilknaz Bektas sa Instagram, ibinahagi niya na ang makilala ang Gutierrez sibs ang pinakamasayang araw sa kanyang buong buhay.

“I think today is the happiest day of my life 💙,” pahayag ni Ilknaz Bektas sa kanyang caption kalakip ng isang larawan kung saan ay makikitang kasama niya sina Lorin at Venice.

Sobrang happy sa reunion ng magkakapatid, wish ni Ruffa na mag-enjoy sila sa company ng isa’t-isa.

Credit: @loringabriella Instagram

Ayon kay Ruffa, “Have fun, girls!! ❤️❤️❤️❤️”

Bagama’t magkakaiba man ng Mommy at ngayon lamang unang nagkita, hindi naman nakitaan ng kahit anong awkwardness sa pagitan ng Gutierrez sibs at ni Ilknaz Bektas. Sa katunayan, para pa nga silang matagal nang magkakilala dahil sa comfortable at masayang bonding nila.