Lovely Abella at Benj Manalo, lumipat na sa kanilang bagong tayong bahay na katas ng kanilang online business

Sa wakas ay nakalipat na ang Kapuso couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo sa kanilang dream house. Lingid sa kaalaman ng marami, katas ng pag-oonline selling ng mag-asawa ang kanilang naipatayong bahay.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Kamakailan lamang nga ay nagkaroon ng house blessing para sa kanilang bagong bahay sina Lovely at Benj. Ipinasilip naman nila sa kani-kanilang Instagram account ang ilang kaganapan sa kanilang house blessing.

Makikitang present sa house blessing ng bagong bahay ng mag-asawa ang kanilang mga pamilya at ilang kaibigan.

Samantala, inihayag ng dating “Wowowee” dancer ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Panginoon dahil sa mga biyayang natanggap nilang mag-asawa.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Ayon pa kay Lovely, naabot nilang mag-asawa ang mga pangarap nila sa buhay dahil sa kanilang pagtitiyaga at paggamit nila sa kanilang mga talento sa tamang paraan.

“Lord, Salamat sa napakagandang blessing sa aming mag asawa, nagpapatunay na kung may tiyaga may nilaga, nagpapatunay na lumaban tayo sa buhay, ginamit namin ng tama at maayos ang talentong binigay samin ni Lord,” pahayag ni Lovely.

Pinasalamatan din ni Lovely ang kanyang asawang si Benj na kasa-kasama umano niya sa anumang pagsubok at paggawa ng desisyon sa buhay.

“Sa aking asawa, salamat at lagi kang nakaalalay sakin, salamat at team work tayo sa lahat ng bagay, di po namin hinahayaang ayaw ng isa dapat laging meet half way kami.. @benj makakaasa ka babe na sa lahat ng pagsubok lalo nating pagtibayan dahil marami pa tayong mararanasan,” mensahe ni Lovely para sa kanyang asawa.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Hindi rin nakalimutan ni Lovely na pasalamatan ang kanilang mga kaibigan at mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanilang mag-asawa lalong-lalo na umano ngayong panahon ng p@ndemya.

At sa huli, may mensahe si Lovely para sa mga taong nangangarap sa buhay at na-inspire sa kwento ng tagumpay nilang mag-asawa.

Aniya, “Sa lahat ng naiinspire namin, salamat at bumabangon na kayong muli, bumagsak din kami pero di kami nagpatinag sa problema, lalo niyong pgsumikapan kung nagsisimula na kayo.”

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Dugtong niya, “Wag kayong mawalan ng lakas ng loob, simulan ninyo sa tiwala kay LORD at tiwala sa inyong mga sarili. Kung di man lahat nagtitiwala sa inyo promise meron p ring mga taong magtitiwala sa inyo.”

Samantala, halos hindi rin makapaniwala si Benj na mayroon na silang sariling bahay ni Lovely. Para naman kay Benj, maswerte siya dahil mayroong siyang asawa na araw-araw ay tinutulungan siyang maging “better person.” Dagdag pa niya, naging posible ang lahat ang kanilang mga pangarap dahil sa pagtutulungan nilang mag-asawa.

Matatandaang ikinasal sina Lovely at Benj noong Enero 23 sa isang gardened-themed wedding.