Lovely Abella at Benj Manalo, ramdam ang swerteng hatid ng 2023 dahil sa pagbubuntis nila sa kanilang unang anak!

Kakapasok pa lamang natin sa ikalawang buwan sa taong 2023 pero tila’y ramdam na ramdam na ng celebrity couple na si Lovely Abella at Benj Manalo ang swerte dahil sa wakas, nabiyayaan na rin sila ng anak!

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Punong-puno ng uncertainties ang buhay kaya may mga pagkakataon talaga na kahit gaano natin kagusto mangyari ang isang bagay ay hindi ito basta-bastang nagaganap. Maaaring abutin ito ng napakahabang panahon bago tuluyang mangyari pero gayunpaman, mahalaga na manatiling matatag ang ating pananalig na ibibigay din ito ng Panginoon sa tamang oras katulad na lamang ni Lovely Abella at ng kanyang asawa na si Benj Manalo dahil matapos ang tatlong taon nilang pagababasakali na magkaroon ng anak ay dumating na rin ito sa kanilang buhay.

Sa magkakasunod na update ng actress-entrepreneur sa Instagram, ibinahagi niya sa fans at followers ang magandang balita at ito ay ang kanilang “miracle baby”.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Sa video na ibinahagi ng 36 taong gulang na aktres, mapapanood kung paano niya ibinalita sa asawa ang pagbubuntis sa kanilang pinakaunang anak. Habang ipinapakita sa camera ang pregnancy test, maririnig ang mabibigat na paghinga ni Lovely at makalipas ang ilang minuto ay ginising niya ang natutulog na si Benj.

‘Nung una ay antok na antok pa si Benj pero kaagad naman itong nagising at nabuhayan ng loob nang na-process ang balitang hatid ng asawa kaya hindi talaga niya napigilan ang sarili na mapahiyaw sa tuwa.

“In GOD’s Perfect TIME! MIRACLE HAPPENS! Grabe para akong himatayin ng oras na to, di ako makapaniwala bago ko ibigay sa Asawa ko @benj Napakagandang Blessing sa unang buwan ng 2023!” Sulat ni Lovely sa unang bahagi ng kanyang caption.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Sa post naman ni Benj sa Instagram, ipinahayag niya ang nararamdamang kasiyahan dahil sa swerteng hatid ng 2023 sa kanilang pamilya.

“2023, sabi nila swerte ako kasi year of the rabbit ako, pero mas kumapit ako sa promise ni Lord samin. This is the best wedding anniversary gift samin ni Lord! Wohoooo!!! 🥺🥺🥺,” pahayag niya.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

2021 nang ikinasal ang couple at sa nakalipas na tatlong taon ay ilang beses talaga nilang sinubukan na magkaanak pero hindi naman ito naging madali para sa kanila dahil umano sa mababang “sperm count” ni Benj pero gayunpaman, hindi naman sila kailanman nawalan ng pag-asa na ibibigay at ibibigay din ito ni Lord sa tamang panahon kaya sa pagbubuntis ni Lovely, emosyonal talaga sila ng asawa sa kanyang pagbubuntis at itinuring pa nga itong “miracle baby”.

Congratulations, Lovely at Benj Manalo!