Lucy Torres-Gomez, ibinahagi ang husay sa pananahi ng magagandang punda ng unan na mano-mano niyang itinahi

Isa sa magagandang mukha ng showbiz ang celebrity mom at ngayo’y Congresswoman ng 4th district ng Leyte na si Lucy Torres-Gomez.

Sa tagal nito sa industriya, inakala ng fans na kilalang-kilala na nila ang iniidolo subalit nagulat sila sa ibinahagi nito sa kanyang Instagram na lalong hinangaan ng mga netizen.

Credit: @lucytgomez Instagram

Sa nasabing Instagram post, ilang larawan ang makikita kung saan ibinahagi ni Lucy ang kanyang mga tinahing punda ng unan na hindi gumamit ng makinang panahi kundi mano-manong tinahi gamit lamang ang kanyang kamay.

“Some of the pillow covers I have sewn over last year’s lockdown —- every single stitch by hand. Alternately working on other little cases and pouches, too, also a patchwork quilt in many shades of blue. A sundress next!” caption sa nasabing IG post.

Credit: @lucytgomez Instagram

Ang pananahi ng mga punda ng unan ang pinagkaabalahan ni Lucy noong nakaraang taon nang sumailalim ang bansa sa lockdown. Makikita sa mga larawang kanyang ibinahagi ang magagandang disenyo na kanyang ginawa.

Kapansin-pansin ang isang larawan kung saan makikitang seryosong gumagawa ng mga punda si Lucy na may kombinasyon ng iba’t-ibang klase ng kulay asul. Dito pa lamang ay makikita na ang kanyang husay sa pagdidisenyo.

Credit: @lucytgomez Instagram

Maliban sa mga pillow covers ay gumagawa rin si Lucy ng mga little cases at pouches. Abala man sa kanyang trabahong ginagampanan ay binibigyan pa din ng panahon ni Lucy ang kanyang libangan.

Hindi niya nakakalimutang maglaan ng oras para sa kanyang sarili at i-enjoy ang bawat pagkakataon na siya ay nakakagawa ng katulad nito.

Isang magandang halimbawa kung paano gagawing kapaki-pakinabang ang bawat oras na maaaring gawin ng sino man at anumang estado sa buhay.

Credit: @lucytgomez Instagram

Dahil sa ipinakitang husay at galing ni Lucy sa pagtatahi ng mga pillow covers, samu’t-saring papuri at komento mula sa netizen, maging mga kapwa artista ang kanilang ipinabatid para sa kanyang ipinamalas na husay.

Ang ilan pa sa kanila ay inaabangan na rin ang kanyang paggawa ng mga makukulay na sundress at hindi naiwasang mag- iwan ng kanilang komento sa nasabing IG post.

Credit: @lucytgomez Instagram

“So pretty! Can’t wait to see the sundress!” komento ng isang netizen.

“Virtuous woman, you are such a gem Congresswoman,” dagdag pa ng isang netizen.