Lucy Torres-Gomez, ini-reveal ang rason kung bakit hindi na siya kumakain ng karne ng manok

Isa si Lucy Torres-Gomez sa mga aktres na talagang kilala at tinitingala ng karamihan sa mundo ng showbiz. Bukod sa angking kagandahan ay may talento rin sa pag-arte si Lucy kaya naman ay napa-ibig niya si Richard Gomez, isang kilalang aktor noong kanyang kapanahunan hanggang ngayon.

Credit: @lucytgomez Instagram

Abril ng taong 1998 nang ikinasal si Lucy at Richard at nagkaroon ng babaeng anak noong 2000 na si Juliana. Isa sila sa pamilya sa showbiz na talagang hinahangaan ng karamihan kahit na’y hindi na nakikita si Lucy sa telebisyon ngayon dahil inilaan na niya ang buong atensyon sa politika.

Kasalukuyang Representative ng 4th District sa Leyte si Lucy Torres. Sa kabila ng pagiging busy sa paglilingkod sa bayan ay maayos pa rin niyang naitataguyod ang pamilya dahil na rin sa katuwang niya ang asawang si Richard sa lahat.

Credit: @lucytgomez Instagram

Maraming hilig si Lucy pero pagdating sa pagkain ay hindi naman umano siya medyo pihikan pero ngayon ay hindi na talaga siya kumakain ng anumang pagkain na may karneng kambing at kumakailan lamang ay ayaw na rin niyang kumain ng putaheng may karneng manok.

Sa isang interview noong June 21, 2021 ay ipinaliwanag ni Lucy ang kanyang rason kung bakit ayaw niyang kumain ng karne ng kambing at manok.

“There are things I don’t eat talaga like kambing,” sabi ni Lucy, “kasi we had a pet goat before, growing up. Hindi ako kumakain ng kambing.”

Credit: @lucytgomez Instagram

Ayon pa kay Lucy na kung gaano niya kapaborito ang chicken dishes noon at ngayon naman ay inaayawan na niya.

“And then, kung gaano ko ka-love ang chicken, ngayon hindi na ako kumakain ng chicken,” sambit ni Lucy.

Credit: @lucytgomez Instagram

Hindi naman daw rason ni Lucy ang pagda-diet kung bakit tumigil na siyang kumain ng chicken pero dahil talagang napamahal na siya sa mga alaga nilang manok sa bakuran ng kanilang bahay.

“Kasi during the first l0ckdown, sila ang kasama ko every afternoon. Para ko na silang naging kaibigan so, hindi ko na siya makain,” pahayag ni Lucy.

Ibinahagi rin ni Lucy na kumakain pa naman siya ng pork dishes. Nasabi pa nga niya na may alaga silang baboy pero hindi naman niya pinagbabawalan ang sarili sa pagkain ng karneng baboy.

Credit: @lucytgomez Instagram

“But we have a pet pig, si Hamlet pero kumakain pa rin naman ako ng baboy. Wala pa ako doon na hindi ako kumakain ng baboy,” ani Lucy.

Simula ng qu@rantine ay namamalagi si Lucy kasama ang pamilya sa bahay nila sa Ormoc, ang kanyang birthplace. Naikuwento ni Lucy na sobrang dami ng kanilang alagang hay0p doon kaya para na umano silang malaking pamilya.