Luis Manzano, may nakakatawang sagot sa komento ng isang netizen na nagulat at tila ngayon lamang nalaman na mommy niya si Vilma Santos

Si Luis Manzano ay kilala ng lahat bilang isang mahusay na aktor, host at comedian. Bukod sa kanyang mga talento ay kilala rin siya dahil sa kanyang mga magulang na sina TV actor-host Edu Manzano at “Star for all Seasons” Vilma Santos-Recto.

Credit: Luis Manzano Instagram

Kaya naman laking gulat ng lahat nang may isang netizen na nagkomento sa birthday greeting post ni Luis sa kanyang Instagram na tila nagpapahiwatig na ngayon lamang niya nalaman na anak si Luis ng aktres.

Nitong November 3 kasi ay ipinagdiwang ng Mommy ni Luis ang kanyang ika-67 taong kaarawan. Nag-post si Luis ng dalawang letrato kung saan ay kasama niya ang kanyang Mommy Vilma. Sa mga larawan ay makikita na sweet na sweet ang mag-ina.

Credit: Luis Manzano Instagram

Sa caption ay saad ni Luis, “Happy birthday Momski!! @rosavilmasantosrecto , stay safe and healthy! Love you!!”

 

View this post on Instagram

 

Happy birthday Momski!! @rosavilmasantosrecto , stay safe and healthy! Love you!!

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano) on

Marami rin ang nag-komento sa Instagram post ni Luis at bumati ng “Happy Birthday” sa kanyang Mommy Vilma.

Kabilang dito ang mga kasamahan ni Luis sa showbiz industry. Katulad na lamang nila Alex Gonzaga, Sylvia Sanchez pati na rin ang longtime girlfriend ni Luis na si TV host-actress Jessy Mendiola.

Credit: Luis Manzano Instagram

Ngunit ang nakaagaw talaga sa atensyon ni Luis ay ang komento ng isang netizen na nabigla sa kanyang Instagram post.

Mukhang ngayon lamang nalaman ng nasabing netizen na mag-ina pala sina Luis at Vilma. Narito ang komento ng netizen sa Instagram post ni Luis:

Aniya, “ay sya pala ang mama mo kuya Luis”

Credit: Luis Manzano Instagram

Talagang nasurpresa ang nasabing netizen nang malaman niya na anak pala si Luis ni Vilma base na rin sa “surprised emoji” na kanyang nilagay.

Samantala, idinaan naman ni Luis sa biro ang kanyang naging tugon sa komento ng netizen. Sinabi ni Luis sa netizen na “kapitbahay” lamang umano niya ang aktres.

Credit: Luis Manzano Instagram

Ani Luis, “@miselducs – kapitbahay ko lang sya, nagkataon momski ang tawag ko sa kanya at sa kanya ako galing.”

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa ilan pang netizens ang komento ng nasabing Instagram user.

Credit: Luis Manzano Instagram

May ilang netizen ang naghinala na baka nagpapansin lamang kay Luis ang nasabing Instagram user kaya ganoon ang kanyang reaksyon. Mayroon din namang natawa sa tugon ni Luis sa komento ng nasabing Instagram user. Komento ng ilang netizens:

“@miselducs nice move for notice or is it real?”

Credit: Luis Manzano Instagram

“@luckymanzano HAHAHAHAHAHAHAHA LAPTRIP SA KAPITBAHAY!!!! [laughing emojis]”

“@luckymanzano super laugh ako dito”