Bonggang-bongga ang hatid na kilig ng couple na si Edu Manzano at Cherry Pie Picache sa kanilang fans matapos i-reveal kumakailan lamang ang kanilang romantikong relasyon.
Credit: @luckymanzano Instagram
Mula pa man noon hanggang ngayon, pareho nang kilala bilang sikat na mga artista si Edu at Cherry Pie dahil sa hindi nila matatawarang husay sa larangan ng pag-arte. Hindi rin lingid sa kaalaman ng karamihan ang kanilang buhay pag-ibig na minsan na rin silang binigo. Sa maraming taon nilang pananatili sa iisang industriya at sa ilang pagkataon nang sila’y nagkasama sa iisang project, talagang hindi inaasahan ng kanilang fans na mahahanap nila ang matagal nang inaasam na pagmamahal sa isa’t-isa.
Credit: @luckymanzano Instagram
Magkasama ngayon sa teleseryeng “Marry Me, Marry You” si Edu at Cherry Pie na siyang naging tulay sa kanilang pagmamahalan. Matapos kumalat ang rumors, kinumpirma ng beteranong aktor na may namamagitan nga sa kanila ng co-star na si Cherry Pie na talaga namang naging laman ng usapan ngayon sa social media.
At mukhang hindi lamang fans nila ang nasurpresa at kinilig dahil pati ang anak ni Edu na si Luis Manzano ay hindi rin nagpahuli sa magandang balita. Sa katunayan, may nakakatawa pa siyang komento tungkol sa relationship ng ama at ng nobya nito na si Cherry Pie.
Credit: @yescppicache Instagram
Sa isang interview kasama si G3 San Diego, ipinahayag ng aktor ang naging reaksyon niya nang nalaman ang relationship ni Edu at Cherry Pie.
“Feeling ko nga, eh kung nagkataon lang na… let’s say, by next year, kunwari lang, we’re hoping and praying na maibalik ang prangkisa ng ABS, feeling ko baka si Daddy at si Tita Pie baka itapat sa Kathniel,” pagbibiro ni Luis.
Credit: @yescppicache Instagram
Kuwento pa ng aktor slash host na si Luis, una umano niyang nalaman ang relationship ni Edu at Cherry Pie nang pinadalhan siya ng larawan ng isang kaibigan na kuha sa “date night” ng bagong couple. Tinukso pa umano niya ang kanyang ama ng, ‘Uy Daddy. Happy boy ka’ na sinagot umano ni Edu ng ‘Yes anak, happy’.
Nakikitang masaya ngayon ang ama sa piling ni Cherry Pie. Wala ng iba pang mahihiling si Luis dahil sa wakas, nahanap na rin nito ang uri ng pagmamahal na matagal ng gustong makamtan ni Edu.
Ayon pa kay Luis, “Sobrang we were caught off guard. No one saw it coming. I don’t even think Dad and Tita Pie saw it coming.”
Credit: @luckymanzano Instagram
Ngayon na approved kay Luis at sa kanilang fans, wala na ngayong basta-bastang makakatibag sa tunay at wagas na pagmamahalan ni Cherry Pie at Edu.
Talaga namang dumarating sa hindi inaasahang pagkakataon ang pag-ibig, katulad na lamang ng pag-ibig na namumukadkad ngayon sa pagitan nina Edu at Cherry Pie.