Lumipas ang 18 years na relasyon nila ni Troy Montero, isa na ngayong ganap na Mrs. Montero si Aubrey Miles!

Lahat talaga ng ganap sa buhay basta’t in love sa partner ay exciting at thrilling kaya kahit na’y mahaba-habang panahon ang kanilang paghihintay, sa wakas ay natupad na rin ng couple na si Aubrey Miles at Troy Montero ang isa sa mga pangarap nila para sa kanilang relationship at ito ay ang kasal!

Credit: @milesaubrey Instagram

Isa lamang si Aubrey Miles at Troy Montero sa mga couple na nagkatagpo sa mundo ng showbiz. Kahit na’y busy sa kani-kanilang schedule at marami man ang mga pagsubok na dumaan sa kanilang buhay, nag-work naman ang kanilang relationship at kahit na’y 18 taon na ang lumipas, nananatili pa rin silang sobrang in love sa isa’t-isa.

Akalain mo ‘yun? 18 years nang nagsasama bilang isang couple at kahit hindi man ikinasal sa loob ng mahabang panahon na ‘yun, hindi kailanman nagpakita ng signs na nagfe-fail ang kanilang relationship. Imbes ay mas lalo lamang itong napapatatag ni Aubrey at Troy.

Credit: @milesaubrey Instagram

Kahit na’y okay at sobrang smooth na ng kanilang relationship, malaki pa rin naman ang pagpapahalaga ng couple sa marriage. Sa katunayan, isa ito sa kanilang mga pangarap sa buhay at nito lamang, nasaksihan ng kanilang pamilya, malalapit na mga kaibigan, at mga mahal sa buhay ang kanilang pag-iisang dibdib sa isang civil ceremony na ginanap sa Mandaluyong City.

Kahit na’y malayo man sa kanilang original na plano ang ceremony ng kanilang wedding, masaya at contented naman si Aubrey at Troy dahil alam naman nilang pareho na hindi magdedepende sa engrandeng kasal ang pagkakaroon ng matatag na relationship at isa pa, matagal na nila itong napatunayan.

Credit: @milesaubrey Instagram

Maliban sa pamilya ng couple, imbitado rin sa kasal ni Aubrey at Troy ang iilan sa kanilang malalapit na mga kaibigan at isa na nga sa mga ito ay si Gretchen Fullido na nagbahagi ng video sa Instagram kung saan ay featured ang bagong kasal.

Sa caption ni Gretchen Fullido, mababasa ang “Finally! After 18 years of being together, @troymontero & @milesaubrey tie the knot in a civil ceremony presided by Mandaluyong Mayor Carmelita “Menchie” Abalos today! Woot woot! 🥰💕 Cheersssss!!!! 🥂🍾✨”

Credit: @milesaubrey Instagram

Matapos ang 18 na taong pagsasama, sa wakas ay isa nang ganap na Mrs. Montero si Aubrey Miles. Congratulations sa bagong kasal!