Lyca Gairanod, dinalaw at nag-abot ng tulong sa matandang babae na nakasama noon sa pangangalakal

Kilala si Lyca Gairanod bilang kauna-unahang The Voice Kids Champion sa Pilipinas. Dahil sa kahusayan sa pag-awit ay naging daan ito upang siya’y umangat sa buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya. Matagumpay naman ngayon ay bukas pa rin ang kanyang puso upang tumulong sa kapwa.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Hindi lingid sa karamihan na nagsimula si Lyca Gairanod sa pinakababa. Mahirap lamang ang kanyang pamilya kung kaya’t kinakailangan ni Lyca na magbanat ng buto sa murang edad. Upang makatulong sa pamilya ay natuto si Lyca na mangalakal. Umaawit rin siya sa ilang kabahayan upang madagdagan ang pera. Bawat kita niya ay ibinibigay niya sa kanyang mga magulang upang makatulong sa mga gastusin sa bahay.

Talaga namang kahanga-hanga ang dedikasyon ni Lyca sa pamilya at sa kapwa. Taong 2014 nang nagbukas ang opurtunidad sa buhay ni Lyca. Sumali siya sa “The Voice Kids” at nadiskubre ng lahat ang galing niya sa pagkanta at marami rin ang naantig sa kanyang storya.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Sa ibinahaging vlog ni Lyca sa kanyang YouTube channel ay nagbalik-tanaw ang singer sa buhay niya noon. Aminado siya na sobrang hirap ng buhay niya noong siya’y nangangalakal pa lamang kung kaya’t ganoon na lamang ang simpatya niya nang nalaman na patuloy pa ring nangangalakal si Nanay Ising na siyang nakasama umano niya noon sa pangangalakal.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Isa itong nakakaantig na story kasi may nakita po akong matanda, and kitang-kita ko sa kanya dati ‘yung ginagawa ko noong bata pa’ko,” panimula ni Lyca.

“Actually, ‘nung bata pa ako, parang nakita ko na siya eh. So, parang sabay kaming nangalakal dati.”

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Dahil sa karanasan ni Lyca sa pangangalakal ay naisipan niyang puntahan si Nanay Ising at tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng grocery items at prutas.

Nalaman rin ni Lyca na 30 taon ng nangangalakal si Nanay Ising pero sobrang liit lamang ng kanyang kita sa araw-araw. Minsan ay 20-30 pesos lamang na siyang nagpab!yak sa puso ng batang singer.

“Kaso iba nga lang po kami ng story, kasi siya matanda na siya eh. Ako po medyo bata pa kaya mas okay sa akin. Pero siya kasi, ‘yung nakita ko siya talagang iyong parang nab!yak ‘yung puso ko,” ani Lyca.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Sa kabila ng pagiging hirap sa buhay ay patuloy pa rin ang pananalig ni Nanay Ising sa Panginoon.

“Manalig tayo sa Panginoon. ‘Wag natin kakalimutan. Naglalakad ako ‘yan, namamasura, mga altar kinukrusan ko ‘yan. Bigyan ako ng lakas pa ng katawan dahil mga apo ko, maliliit pa,” sabi ni Nanay Ising.

Malaki rin ang pasasalamat ng matanda sa tulong na ipinaabot ni Lyca dahil makakapagpahinga na umano siya sa wakas.