Lyca Gairanod, labis ang kasiyahan matapos mabili ang kanyang pinapangarap na bagong sasakyan!

Isang panibagong pangarap na naman ang nakamit ng “The Voice Kids: Season 1” champion na si Lyca Gairanod.

Credit: @lycagairanod.1 Instagram

Natupad na nga ni Lyca ang matagal na niyang pangarap, ang magkaroon ng kanyang sariling sasakyan na katas ng kanyang pagsisikap sa trabaho bilang isang artista.

Malaki rin ang naging tulong ng pag-usbong ng karera ni Lyca sa mundo ng pagba-vlog sa pagkamit niya ng kanyang pangarap na makabili ng sasakyan.

Credit: @lycagairanod.1 Instagram

Ibinahagi ni Lyca sa kanyang YouTube channel ang paghahanap niya ng kanyang ‘dream car’. Sa pagpunta ni Lyca sa isang car shop, nahanap niya ang kanyang gustong sasakyan na isang kulay itim na minivan na kayang mag-upo ng pitong pasahero.

Ibinunyag ni Lyca na kaya niya gusto ng isang van type na sasakyan ay dahil magagamit niya ito tuwing may show siyang gagawin. Kaya naman isang minivan ang kanyang binili na swak para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Sa nasabing vlog ni Lyca, ipinangako ni Lyca na ipapasilip niya sa kanyang mga tagahanga ang kanyang bagong biling sasakyan.

Ikwenento naman ni Lyca na noon pa lamang ay pangarap na talaga niya na magkaroon ng kanyang sariling sasakyan.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Kwento ni Lyca, “Isa na rin ‘to sa mga dream ko [ang] magkaroon ng sasakyan…So yun, excited na ako kasi magkakaroon na ako ng sasakyan.”

Dagdag niya, “Alam niyo kasi dati pangarap ko lang ‘to na magkaroon talaga ng sariling sasakyan. And ngayon, winish ko talaga, pinush nang pinush na magkaroon ng sariling sasakyan.”

Sa huli, hiling ni Lyca na bumuhos pa ang biyaya na matatanggap niya mula sa Diyos.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Aniya, “So ‘yun, sana more, more blessings na matatanggap ko kay God.”

Nagpapasalamat din si Lyca sa kanyang pamilya na sobrang supportive sa kanyang mga ginagawa.

“Siyempre, I’m very thankful kasi may family ako na sobrang positive and sobrang mapagmahal na pamilya,” saad pa ni Lyca.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Samantala, sa kanyang Instagram account ibinahagi ni Lyca na nabili na niya ang kanyang ‘new baby’.
Isang litrato ang ipinost ni Lyca kung saan makikita siyang nagpo-pose kasama ang kanyang bagong biling sasakyan.

Maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang pagbati at na-inspire sa pagkamit ni Lyca sa kanyang pangarap. Komento nila:

“Deserved mo yan lyca bunga yan ng kasipagan mo”

Credit: Lyca Gairanod YouTube

“So happy for you Lyca. Sana tuloy tuloy lang ang pagdating ng blessings sa iyo. Stay humble”

“Proud kami sa batang ito from the voice kids hanggang ngayon”

Matatandaang bukod sa bagong sasakyan, nakapagpundar na rin si Lyca ng bahay para sa kanyang pamilya.

Mula sa pangangalakal ng basura upang makabili ng pagkain para sa pamilya hanggang sa pagiging singer superstar na ngayon, tunay ngang walang imposible basta’t kumakapit tayo sa ating mga pangarap at nagpupursige sa buhay!