Lyca Gairanod, masayang ipinasilip ang loob ng kanyang maganda at bagong biling sasakyan!

Isa ang kwento ng tagumpay ni Lyca Gairanod sa mga nagbibigay inspirasyon sa marami. Matatandaang naging susi ang pagsali ni Lyca sa reality singing competition na The Voice Kids Philippines noong 2014 upang makaahon sila ng kanyang pamilya sa dating estado ng buhay nila noon.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Maraming beses nang naikwento ni Lyca ang mahirap na pamumuhay nila noon kung saan ay nangangalakal siya ng basura para makatulong sa kanyang mga magulang.

Simula nga noong tanghalin siyang grand winner ng kauna-unahang season ng “The Voice Kids” sa Pilipinas ay tuluyan nang nagbago ang estado ng buhay ni Lyca.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Bukod sa nakalipat na sila ng kanyang pamilya sa mas kumportableng bahay ay marami pa sa mga pangarap ni Lyca ang kanyang natupad mula nang pumasok siya sa showbiz. Dahil sa kanyang pagsisikap, sa kanyang murang edad ay nakabili na rin si Lyca ng kanyang sariling sasakyan.

At sa kanyang vlog ay nagbigay ng car tour si Lyca para ipasilip sa kanyang mga tagahanga ang loob ng kanyang bagong biling sasakyan.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Bago magsimula sa kanyang car tour, nabanggit muna ni Lyca na pangarap niya talaga ang magkaroon ng sasakyan noon pa man. Kaya naman hindi siya tumigil sa pagtatrabaho hanggang sa maabot niya ang kanyang pangarap.

Para rin kay Lyca, masasabi niyang pinakamagandang sasakyan na natanggap niya sa kanyang buong buhay ang nabili niyang sasakyan. Pagbubunyag ni Lyca, nagkaroon na siya ng sasakyan noon ngunit ‘dream na dream’ niya talagang mabili noon ang kanyang sasakyan ngayon.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Samantala, pangalawang tahanan kung ituring ni Lyca ang kanyang sasakyan. Aniya, importante sa kanya ang magkaroon ng sasakyan kung saan ay maayos siyang nakakapagpahinga pagkatapos niyang magtrabaho.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Masaya ring ipinakita ni Lyca sa lahat ang paborito niyang bahagi ng kanyang sasakyan. Ito ay ang sunroof ng sasakyan kung saan ay malaya siyang nakakalanghap ng hangin sa tuwing siya ay nagro-roadtrip.

Ibinahagi rin ni Lyca na noong wala pa siyang sasakyan ay hilig na niyang mag-commute papunta sa kanyang trabaho. Pag-amin pa ni Lyca, matagal-tagal din bago siya nagkaroon ng sasakyan kaya naman nakahiligan na niya ang pagco-commute.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Sa huling bahagi ng kanyang car tour, ibinahagi ni Lyca na marami pa siyang plano para sa kanyang sasakyan na ipapakita naman niya sa mga susunod niyang vlog.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Talagang nakakaantig ang kwento ni Lyca. Ngunit bukod sa isang tipikal na ‘rags to riches’ na kwento, ang istorya ng buhay ni Lyca ay magtuturo din sa atin ng isang aral at iyon ay walang imposible sa isang taong masipag, may pasensya at determinasyon at higit sa lahat may pangarap.