Madam Inutz, naiyak nang nakita ang ipinagawang bahay ni Wilbert Tolentino para sa kanya!

Kung may mga taong madaling nakakahanap ng opportunities, may iba namang maswerte sa mga tao na kanilang nakikilala at nagiging kaibigan dahil sa kanilang biyayang natatanggap ay ibinabahagi rin nila kaya naman sobrang-sobra talaga ang pasasalamat ni Madam Inutz sa kanyang talent manager at mabuting kaibigan na si Wilbert Tolentino dahil hindi lang naman siya tinulungan nito na makaangat sa kasikatan dahil pati hiling ng kanyang puso ay isinasakatuparan din nito.

Credit: Wilbert Tolentino VLOGS YouTube

Sa sobrang laki ng showbiz at sa pagiging demanding ng pagiging isang TV personality, hindi talaga kinakaya ng iilang artista na i-handle ang kanilang schedule sa araw-araw kaya malaking role talaga ang ginagampanan ng kanilang mga talent manager dahil pinapagaan lang naman ng mga ito ang kanilang workload.

Matatandaang unang sumikat si Daisy Lopez o mas kilala ng karamihan bilang si Madam Inutz dahil sa kanyang kakaiba at pambihirang paraan ng pagbebenta sa kanyang preloved na mga damit. Dahil sa kanyang unique na “live selling,” nakahakot lang naman siya ng dalawang milyong views at nagsilbi nga itong daan sa pagsikat niya sa showbiz.

Matapos mag-viral ni Madam Inutz sa social media, pumasok siya sa “Pinoy Big Brother” nitong nakaraang taon kung saan ay mas nakilala pa siya ng karamihan.

Bagama’t big-time naman ngayon bilang isang TV personality, aminado naman si Madam Inutz na hindi niya maaabot ang lahat ng meron siya ngayon kung hindi sa tulong ng kanyang handler na si Wilbert Tolentino na hindi lamang umano concerned sa kanyang career sa showbiz kundi ay pati na rin sa kanyang personal na buhay.

Matatandaang October noong nakaraang taon nang sinurpresa ni Wilbert si Madam Inutz sa balitang patatayuan niya ito ng sariling bahay at makalipas nga ang isang taon, muli niyang ginulat si Madam Inutz sa malaking transformation ng bahay nito.

Sa vlog na ibinahagi ni Wilbert sa kanyang Youtube channel kumakailan lamang, huling-huli talaga sa kamera ang pagiging emosyonal ni Madam Inutz nang nakita niya ang bahay na matagal na niyang pinangarap na magkaroon.

Credit: Wilbert Tolentino VLOGS YouTube

“Hindi ako makapaniwala,” naiiyak na sabi ni Madam Inutz.

Maliban sa bahay, may sarili na rin siyang boutique kung saan niya idi-display ang ibebenta niyang mga damit at kung saan na rin siya magla-live selling.

Credit: Wilbert Tolentino VLOGS YouTube

Bagama’t hindi pa man tuluyang natatapos ang bahay ni Madam Inutz, makikita naman ang napakalaking progress nito sa loob ng isang taon kaya sa pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan, muli siyang napaluha sa sandamakmak na biyayang natatanggap niya sa buhay lalong-lalo na dahil napakaswerte umano niya’t nakilala at naging kaibigan niya si Wilbert Tolentino.