Kakaiba talaga ang bonding ng mag-amang Gabby Concepcion at KC Concepcion. Kamakailan lamang ay may ibinunyag ang Kapuso actor tungkol sa kanyang panganay na anak na si KC.

Sa panayam ni Gabby kay Lhars Santiago ng “24 Oras” ay ikwenento niya ang pag-iyak ni KC noong huling bonding nilang mag-ama. Matatandaang muling nagkita sina Gabby at KC matapos ang ilang buwang hindi pagkikita dahil sa l0ckdown.

Ibinahagi naman ni KC sa kanyang Instagram story ang masayang reunion nila ng kanyang ama. Sa video ay mapapanood si KC na napatalon sa saya nang makita ang kanyang ama.

Aniya, “Look, it’s my papa! Oh my gosh! I haven’t seen you since, like, before l0ckdown! I love you!”
Tugon naman ni Gabby sa sinabi ng anak, “I know, and here we are walking down the street. I love you too. Now we’re just here together walking down the street of Makati.”
Ang kanilang father-daughter date ay “belated birthday celebration” ni Gabby. Nitong November 5 kasi ay ang ika-56 na kaarawan ng aktor at nitong November 7 ay lumabas nga sila ng kanyang anak para i-celebrate ang kanyang kaarawan.
Sa nasabing panayam naman ay ikwenento ni Gabby na umiyak si KC nang pauwi na sila. Ayon pa sa kwento ni Gabby, ayaw pa umano siyang pauwiin ng kanyang panganay na anak.

Pagkukuwento ng aktor, “Magkasama kami, kumain kami sa restaurant. ‘Tapos naawa ako sa kanya dahil pauwi na kami, ayaw niya ako bitawan, ayaw niya ako pauwiin…”

Saad pa ng aktor, naawa umano siya kay KC. Aniya, “Umiyak dahil ayaw akong iwanan. Naawa naman ako.”

Kahit na abala naman si Gabby sa kanyang trabaho, siniguro pa rin niya sa kanyang panganay na isang text lamang nito sa kanya ay agad niya itong pupuntahan.

Para sa mga hindi nakakaalam, si KC ay anak ni Gabby sa kanyang dating asawa na si Sharon Cuneta. Sa ngayon, ay may kanya-kanyang pamilya na sina Gabby at Sharon. Si Sharon ay muling ikinasal kay Senator Kiko Pangilinan kung saan ay biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Frankie at Miel.