Mag-amang Rodjun Cruz at baby Joaquin, naghatid ng tuwa at saya sa mga netizen dahil sa kanilang kulitan moments

Marami ang saksi sa napakagandang love story ng mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz. Hinangaan din ng marami ang matibay nilang relasyon dahil bago sila ikinasal ay dumaan muna sila sa maraming mga pagsubok.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Sina Dianne at Rodjun ay naging magkasintahan din ng higit sa isang dekada bago sila ikasal noong December 2019.

At sa loob ng maraming taon na sila ay magkasintahan ay nagbigay sila ng kilig sa marami dahil sa kanilang ka-sweetan.

Ang kanilang pag-ibig naman para sa isa’t isa ay naging mas malalim at ang kanilang relasyon ay naging mas masaya at makulay mula ng dumating sa kanilang buhay ang kanilang anak na si Rodolfo Joaquin Diego III.

Credit: @rodjuncruz Instagram

At hindi sila makasarili na ibahagi sa mundo ang kanilang munting mapagkukunan ng kaligayahan. Sa kani-kanilang mga social media account, madalas silang nagbabahagi ng mga magaganda at nakatutuwang larawan at video ng kanilang guwapong anak na palaging naghahatid ng good vibes sa libu-libong netizens.

Tulad na lamang ng isang video na ibinahagi ni Rodjun kung saan makikita siyang inaaliw at pinapatawa si baby Joaquin.

Kahit abala si Rodjun sa kanyang trabaho ay kapansin-pansin na naglalaan talaga ito ng oras para sa kanyang panganay na anak.

Samantala, naghatid nga ng ngiti sa lahat ang napakaganda at inosenteng ngiti at tawa ni baby Joaquin na reaksyon niya sa pangungulit at paglalaro sa kanya ng kanyang Daddy Rodjun.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Si baby Joaquin ay ipinanganak noong September 2020 at makalipas nga ang maraming buwan makikitang unti-unti na itong lumalaki at nagiging aktibo.

Humakot naman ng maraming ‘views’ at ‘likes’ ang nasabing cute video nina Rodjun at baby Joaquin na nagpapakita ng kanilang bonding moment na mag-ama.

Bumaha rin ang maraming komento mula sa mga netizen na napapasaya ni baby Joaquin. Komento nila:

“Woaaaaahhhhhh baby reaction soooooo sooooo cute”

Credit: @rodjuncruz Instagram

“Ang cute naman po ni baby”

“Ang cute niya magulat”

“OMG yung mata at tawa mo talaga ang [email protected] para sakin”

At kahit sanggol pa lamang si baby Joaquin, nabihag na rin niya ang puso at atensyon ng marami dahil sa kanyang taglay na kaguwapuhan na halata namang minana niya mula sa kanyang magulang na parehong maganda at gwapo.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Kaya naman hindi na nakapagtataka na balang araw, kung siya ay malaki na ay pumasok na rin siya sa pag-aartista tulad ng kanyang mga magulang.