Isa ngayon ang Team Kramer o ang pamilya nila Doug Kramer at Cheska Garcia sa mga kilala at tinitingalang pamilya sa showbiz at sa digital world. Bukod sa pagbahagi nila ng mga kaganapan sa kanilang buhay ay naging inspirasyon din sila para sa marami dahil sa kanilang humble beginnings.
Credit: @dougkramer Instagram
Sa isang panayam na ginawa ni Toni Gonzaga sa kanila ay ikwinento nila Doug at Cheska ang mga pinagdaanan nila bago nila narating kung nasaan sila ngayon.
Sa umpisa pa lang ng panayam ay sinabi kaagad ni Toni na natuwa siya dahil sa pagpasok pa lamang niya sa bahay ng Team Kramer ay may nakapaskil na verse sa harap ng kanilang bahay.
“Because it is not about Cheska and I, our family, but it’s our entire household,” ito ang sinabi ni Doug nang tanungin kung bakit pinaskil nila ang Joshua 24:15 na verse sa kanilang bahay.
Credit: @dougkramer Instagram
Dagdag pa ni Cheska, “from our journey from our first home to this home, we just wanted to let everyone know, everyone who comes in here that this is not our home, but it is G0d’s home.”
Sa panayam ay pinuri din ni Cheska ang pagiging all-around husband ni Doug. Sinabi ni Cheska na ginagawa ni Doug lahat para sa kanya bago pa man siya magsabi sa kanya.
Nireveal ni Doug na dumating din sa point noong nagbubuntis si Cheska sa kanilang bunsong si Gavin at noong nagkakaroon sila ng financial problem na sinigurado niyang siya na lang ang masistress at hindi na si Cheska dahil gusto niyang magfocus na lamang si Cheska sa kanyang pagbubuntis at pagiging healthy.
Credit: @dougkramer Instagram
Hindi umano madali ang pagsisimula ng buhay mag-asawa nila Doug at Cheska dahil noong kinasal sila ay kakagraduate lang niya sa kolehiyo at wala siyang savings. Sinabi ni Doug na baka kaya maraming pamilya ang nakakarelate sa kanila dahil katulad ng iba ay nagsimula din sila na walang-wala at ngayon ay sobra nang pinagpala sa materyal na bagay ang kanilang pamilya.
Credit: @dougkramer Instagram
“You know those were the happiest moments or days of my life when we didn’t have much because I really saw the hands of God in our early married life,” pagkikwento ni Cheska patungkol sa panahong walang-wala sila ni Doug.
Para kay Cheska, naging magandang training yung panahon na iyon para magdepende sila ni Doug sa isa’t isa at sa Diyos.